Bea Alonzo, May Nakaka Intrigang Sagot Ukol Sa Kaniyang Gustong Maging Leading Man

Kung ikaw si Bea Alonzo, sino ang pipiliin mo bilang iyong leading man, Alden Richards or John Lloyd Cruz?

At bilang isang Bea Alonzo, bakit nga naman kailangan pang mamili sa dalawa, bilang iyong leading man?

Ang mga katanungan na ‘yan ay nagsimula nang tanungin si Bea Alonzo sa kung sino ang kaniyang pipiliin na maaring maging kaniyang leading man, ngayong siya ay opisyal nang isang Kapuso, matapos lumipat GMA 7.

“Pwede namang hindi mamili, ‘di ba? Pwede namang pareho sila,” sagot naman ni Bea sa kaniyang panayam kay Nelson Canlas, nang tanungin ito sa isang segment ng 24 Oras.

Nang matapos pumirma ng aktres sa kaniyang mga kontrata sa GMA, at maging opisyal na parte ng Kapuso team, si Bea at John Lloyd Cruz ay nag-usap sa isang Zoom call, kung saan binati siya ng kaniyang dating leading man sa ilang mga pelikula, at nagbiro pa sa kanilang posibleng sitcom na maganap.

Matatandaang umugong ang pagbabalik ng aktor na si John Lloyd sa Showbiz sa pamamagitan ng e-shopping platform special sa GMA 7 noong nakaraang Hunyo, sa tulong ni Willie Revillame at ng iba pang mga artista at personalidad na nais maibangon ang career ng nasabing aktor.

Sa ilalim ng Crown Artist Management, ang entertainment agency na itinayo ni Maja Salvador, kasama ang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith, mayroong mga usap-usapang magkakaroon ng dalawang posibleng shows si John Lloyd sa GMA 7.

Samantala, si Alden Richards naman ay sinasabing maaring makatrabaho si Bea Alonzo sa isang pelikula, na hango sa isang Japanese series, na pinamagatang “Pure Soul”. Ang nasabing pelikula rin ay nagkaroon ng remake bilang isang South Korean movie, na may pamagat na “A moment to Remember”.

Si Bea at Richards ay minsan nang naging magkatrabaho noon sa isang shampoo commercial.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Bea Alonzo, May Nakaka Intrigang Sagot Ukol Sa Kaniyang Gustong Maging Leading Man appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments