Maika Rivera, sa wakas ay nagsalita na ukol sa pagkakasangkot niya sa hiwalayang Aljur at Kylie

Pumalag ang isa pang natuturong third party ng hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla na si Maika Rivera, isang aktres at miyembro ng Its Showtime girl group, matapos siyang makatanggap ng sunod-sunod na pang babatikos ng netizens.

Sa isang Instagram post ni Kylie, tinag ng isang basher and IG user ni Maika at siya ang sinabing dahilan umano kung bakit nag hiwalay ang dalawa.

Ayon sa basher, “Knows ko sino kabit ng asawa mo amihan. Si Maika Rivera pala sa girltrends. Shuta! Ke pangit ng pinalit. Sa Asintado pala nagsimula harutan nila. Tsssk!”

Tugon naman ni Rivera sa isinulat ng netizen: “Siguraduhin niyon tama muna mga ‘chika’ niyo bago kayo mag cocomment sakin ng kung ano ano. Asintado? Never ako nag asintado. May God bless you all. :)”

Sa seryeng “Sandugo” at hindi sa “Asintado” nagkatrabaho sina Rivera at Abrenica, bagay na binigyang diin din ng ilang netizens.

Kamakailan rin ay isa pang sinasabing kumpirmardong third party ng isyu ay si Cindy Miranda, ang co-star ni Aljur sa pelikulang Nerisa.

Ngunit mariin na itinaggi ni Cindy ang mga paratang at sinabi na pawang propesyonal na koneksyon lamang ang meron sa kanilang dalawa ng aktor.

Sa isang interview naman ay puring-puri ni Cindy si Aljur dahil sa magandang pakikitungo nito sa kaniya habang sila ay nagte taping.

“First time kong makatrabaho si Aljur pero very professional po siya. Feeling ko, very safe ako so wala pong naging problema sa [aming] love scene.

“Nailang po talaga ako noong una, but he made sure na you’re safe with me. [He’s] very professional.”

Dagdag pa niya, “Sobrang nakaka-relate kay Nerisa. Parang ang feeling ko, idol ko si Nerisa nung nabasa ko yung karakter kasi ang tapang-tapang niya.

“Gusto kong maging ganoon po lalo na siguro pagdating sa love, yung lahat gagawin mo talaga para sa pagmamahal mo.

“At nakaka-inspire yung karakter ni Nerisa kaya sinabi ko po this movie is more than just the sexy scenes.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Maika Rivera, sa wakas ay nagsalita na ukol sa pagkakasangkot niya sa hiwalayang Aljur at Kylie appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments