Hindi madali ang production ng mga soap opera. Mula sa casting, taping, costume, set, at storyline, talagang pinaghahandaan ng crew ang lahat. Lalo na’t kapag major project ito ng network. Kaya naman tuwing naaantala ang series ay hindi mapigilang maapektuhan ang buong production, maging ang mga loyal viewers nito.
Ganito ang nangyari sa fantasy series ng Kapuso network na “Encantadia.” Ilang taong pinaghandaan ng mga writers at producers ang teleserye na ito, na remake ng original noong 2005. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay naantala ang storyline ng serye.


Read More: Alice Dixson, Isiniwalat ang Nakakakilabot na Nangyari sa Kanya sa Mall na Nahagip pa ng CCTV!
Matatandaang naantala rin ang kwento ng fantasy series matapos mabuntis ni Aljur si Kylie noong taong 2017. At dahil sa kanyang kondisyon, hindi na niya kinayang mag-taping pa kaya naman walang ibang choice kundi tanggalin na siya sa “Encantadia.” Sa palabas, isinakripisyo ni Amihan ang kanyang buhay para sa kaligtasan ng Lireyo.
Kaya naman ngayong naghiwalay na si Kylie at Aljur, hindi mapigilang magalit ng mga fans dahil sa di umano’y nasayang na opportunity para sa “Encantadia.” Sa social media, inulan ng komento ng mga loyal “Encantadia” fans na naiinis dahil sinira di umano ni Aljur ang serye, ngunit sa huli’y magloloko lang rin pala siya.

Nag-react naman ang head writer ng show na si Suzette Doctolero. Ayon sa kanya, natatawa na lamang siya sa mga nababasa niyang comments sa social media. Ibinahagi rin ni Suzette na kung magkakaroon man ng sequel ang serye na ito ay paniguradong kasali muli si Amihan.
“Hindi kayang i-shoot yun ngayong pandemic. I don’t know if magagawa now or next year. Mahirap mag-shoot talaga. Ang Legal Wives na malaki ring show ay talagang inabot ng 5 lock-in. Yes, if ever may part 2 ang Encantadia, kasama pa rin si Amihan,” dagdag pa nito.

Read More: Bea Alonzo, May Nakaka Intrigang Sagot Ukol Sa Kaniyang Gustong Maging Leading Man
Ano ang masasabi mo sa kwetong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Head Writer ng Encantadia, Nag-React sa Paninisi ng Netizens kay Aljur sa Kinahinatnan ng Character ni Amihan appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments