Sa mundo ng showbiz, sanay na ang mga celebrities na ma-involve sa iba’t-ibang kontrobersyal na isyu. Kadalasan ay kahit simpleng galaw lamang nila ay pinagmumulan na ng tsismis mula sa malisyosong isip ng publiko. Kaya naman karamihan sa mga artista ay hindi na lang pinapansin o pinapatulan ang mga usaping ito.
Maging si Bossing Vic Sotto ay hindi ligtas mula sa mapanuring mata ng publiko. Kahit pa kasal na siya sa kanyang misis na si Pauleen Luna, hanggang ngayon ay kinakaharap pa rin ng “Eat Bulaga” host ang mga kontrobersya. Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang di umano’y namamagitan kay Vic Sotto at Julia Clarete.


Read More: Alice Dixson, Isiniwalat ang Nakakakilabot na Nangyari sa Kanya sa Mall na Nahagip pa ng CCTV!
Si Julia ay fellow host nina Vic at Pauleen sa “Eat Bulaga.” At ayon sa mga kumakalat na tsismis, tila may kakaibang namamagitan sa dalawa, bagay na agad namang pinakalat ng ilang taong malisyoso ang pag-iisip.
Sa episode ng “Eat Bulaga” noong Sabado, July 10, nagpasaring si Vic sa mga taong madudumi ang isip na nagpapakalat ng fake news.
“Eto ang hugot ko for the day, sa mga nagsa-cyberbully o gumagawa ng fake news, o naninira ng tao sa social media lalo na, o sa ibang paraan. Lagi ninyong tandaan na may nasasaktan kayo, at iyan ay pagbabayaran ninyo. Huwag ninyong isipin na dahil pinalalagpas lang ng iba ay mahina o naduduwag.”

Ayon sa tsismis ay nabuntis daw di umano ni Vic si Julia Clarete, at kinasuhan siya ni Julia dahil dito. Dumating sa punto na maging ang misis ni Vic na si Pauleen ay nadamay rin sa isyung ito. Upang hindi na ito lumala pa, nagsalita na si Vic at nilinaw ang katotohanan.
Nagbanta rin ang beteranong host at aktor na may paglalagyan ang mga taong nagpapakalat ng mapanirang balita tungkol sa kanya.
“Nakikita kayo. Tandaan ninyo iyan, nakikita kayo, at hindi natin ‘yan palalampasin. Darating ang araw na may paglalagyan kayo. Ito ang huli… N’yo! Abangan. Abangan n’yo yan. Yung mga nambu-bully o nami-meyk news, abangan niyo. N’yo!”

Read More: Bea Alonzo, May Nakaka Intrigang Sagot Ukol Sa Kaniyang Gustong Maging Leading Man
Ano ang masasabi mo sa kwetong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post “May kalalagyan kayo!”- Vic Sotto, Nagbanta sa mga Nagpapakalat ng Tsismis na Nabuntis Niya si Julia Clarete appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments