Angel Locsin, ginulat ang netizens sa resulta ng kaniyang balik alindog program

Ipinamalas ng aktres, aktibista at philanthropist na si Angel Locsin ang kaniyang ‘balik-alindog program’ sa kaniyang mga post sa social media.

Matatandaang malaki ang ipinagbago noon ng katawan ng nasabing aktres, mula sa balingkinitan ay bahagya itong nagdagdag ng timbang dahil sa kaniyang iniindang sakit.

Hindi maaring mag-work out si Angel dahil sa kaniyang nararanasang back pain, at dagdag pa ang side effect ng kaniyang iniinom na gamot kaya’t mas lalong nakadagdag ito sa kaniyang timbang.

Marami ang mga netizen na nambully noon sa nasabing aktres at sinabing “nalosyang” na ito. Samantalang mas marami naman ang nagtanggol noon sa ‘rea-life darna’ at sinabing kahit ano ang timbang nito ay nananatiling maganda si Angel, sa loob o labas man ng kaniyang katauhan.

Kaya’t ngayon, ginulat ni Angel ang lahat sa nakitang transformation ng aktres sa kaniyang mga Instagram posts.

Ibinahagi ng aktres ang kaniyang mga dietary menu na galing sa kaniyang nutritionist, maging ang kaniyang hair cut, at ang kaniyang mga appointment sa The Aivee Clinic kung saan isinagawa ang kaniyang skin tightening and lifting procedure.

Nang magpost ang aktres sa kaniyang Instagram ng mga pictures, marami ang nag-akalang throwback pictures ito dahil sa malaking pagbabago sa hugis ng mukha ni Angel. Mas lumiit ito at sinabayan pa ng kaniyang dating hairstyle na siyang naging rason upang akalain ng nakararami na kuha ang larawan noon.

Ultimo ang fianceé at live-in partner ng aktres na si Direct Neil Arce ay natuwa sa nakitang makeover ni Angel at mas gusto na ‘di umano nitong manatili sa kanilang tahanan kaysa umalis ng bahay upang magtrabaho.

Sa ngayon, masaya si Angel sa kaniyang mga ginagawang mga charity works na nakakatulong sa mga taong nangangailangan. Mas naging tutok si Angel sa pagtulong magmula nang mag-lie low ang aktres sa showbusiness at mas naging aktibo pa nang magkaroon ng pandemya, kaya’t maraming mga taga-hanga at taga-suporta niya ang masaya na nakikita si Angel na inaalagaan niya ang kaniyang sarili.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Angel Locsin, ginulat ang netizens sa resulta ng kaniyang balik alindog program appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments