Derem Ramsay, Sa Wakas Ay Nagbahagi Na Ng Kaniyang Wedding Plans Kay Ellen Adarna

Sa pinakabagong Youtube vlog ni Dra. Vicki Belo, inimbitahan nya ang magkasintahang Derek Ramsay at Ellen Adarna, upang ibahagi ang kanilang mga plano sa kasal.

Inamin ni Derek na hindi niya nahalikan si Ellen noong sila ay hindi pa opisyal na magkasintahan. Naging opisyal ang relasyon ng dalawa noong Pebrero 4, at nang maglaon ay lumipat na si Ellen sa bahay ni Derek.

Nagsimula ang isyu ng kanilang relasyon nang kumalat sa social media ang kanilang larawan na magkasama. Naging pansin din ang pagiging malapit ni Derek sa anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Elias.

“Nothing happened to us, not even until naging kami,” pag-amin ni Derek at kinuwento ang kanilang awkward first kiss ni Ellen.

“And then there was this one time, I took her home, and I said, okay, this is the night I think at least I’ll get a kiss,” pahayag ni Derek.

“And I think she was thinking the same thing. And we were there in the car. [Then she kissed me], but not with her lips—she used her teeth. She jammed her teeth into my face.” dagdag pa nito kaya’t natawa si Ellen at sinabing aksidente ang nangyari.

“Because ang tagal kong inisip. Parang, okay, should I kiss him? Okay, ito na. And then natawa na ‘ko sa sarili ko. Why am I thinking about this? Why am I stressing about this? So finally, I decided to kiss him, and then natawa na ‘ko sa sarili ko,” sagot naman ng kasintahan ni Derek.

Nagpropose si Derek noong Marso 30, halos dalawang buwan matapos silang maging magkasintahan, na siyang sinang-ayunan naman ni Ellen. Depensa ni Derek ay sa tingin niya, si Ellen na ang babaeng nakatakda para sa kaniya

“There was just… it was just an instant connection. And that’s the thing! We didn’t test drive anything,” paliwanag ni Derek matapos sabihin na biglaan na lamang nabuo ang kanilang relasyon ng kasintahan.

Sinabi ni Derek na nais niyang pakasalan si Ellen ngunit hindi niya alam na papayag ito kaya’t siya rin ay nabigla.

Pahayag pa ng dalawa na maraming beses ang tungkol sa kanilang kasal, at doon nila napagkasunduan na mag-isang dibdib bago matapos ang taon.

“I was traumatized by men.” pahayag ni Ellen at sinabing wala na siyang balak na magpakasal pa, kung hindi binago ni Derek ang kaniyang isipan. “He makes it worth it,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Derek na kaya ngayon niya lang naisipan na magpakasal ay dahil ayaw niyang magkaroon ng maling desisyon sa buhay. At kung kailangan niyang maghintay ng 44 na taon ay gagawin niya upang matulad lamang sa perpektong relasyon ng kaniyang mga magulang ang kaniyang pamilya.

Bagaman nalalapit na ang kanilang kasal ay inamin ng dalawa na hindi pa sila handang magkaroon ng anak dahil inaayos pa ni Derek ang kaniyang relasyon sa anak at sa ina nitong nasa Dubai.

Nang tanungin ni Vicky kung gusto ba ni Derek na magkaroon ng babaeng anak ay humindi ito at sinabing baka makulong siya kung magkataon.

Matagal nang may nakakapansin sa ‘chemistry’ nila Ellen at Derek, at inamin rin ng aktor na minsan na silang sinet-up ng kaniyan kasintahan sa isang blind date.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Derem Ramsay, Sa Wakas Ay Nagbahagi Na Ng Kaniyang Wedding Plans Kay Ellen Adarna appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments