Sa Pilipinas, talamak ang mga snatchers at holdaper sa kalye. Nagmamasid sila sa mga pampublikong lugar na laging siksikan upang makahanap ng kanilang bibiktimahin. Ngunit alam niyo ba na kahit sa mga secured na lugar gaya ng mall ay mayroon na ring mga magnanakaw ngayon? Gaya na lamang ng naging karanasan ng aktres na si Alice Dixson.
Kahit sa mall ay hindi natitinag ang mga pickpockets, o mandurukot. Ibinahagi ni Alice Dixson ang kanyang karanasan habang nagsha-shopping siya sa isa sa mga sikat na mall sa Makati.
Ayon sa beteranang aktres, isiniwalat na niya ang pangyayaring ito dahil concluded na ang police investigation tungkol sa insidente.

Read More: Bea Alonzo, May Nakaka Intrigang Sagot Ukol Sa Kaniyang Gustong Maging Leading Man
Ibinahagi ng 51-anyos na aktres na bago siya sumabak sa lock-in taping ay nag-shopping muna siya. Ngunit hindi niya inaasahan na sa mismong mall pala na ito siya mananakawan! Sa kabutihang palad, cellphone lamang ang natangay mula kay Alice at hindi rin siya nasaktan.
“Magugulat kayo sa susunod kong 1st na eto… today I can finally make kuento, kasi concluded na ang police investigation. During this show was the 1st time I was ever pickpocketed in my life (not on the set of course but) the day before my quarantine for our lock-in taping.”


Dagdag pa ni Alice, kita rin daw sa CCTV kung paano siya binangga ng mga mandurukot. Noong una ay hindi nya daw napansin na may nawawala na pala sa kanya, ngunit nagulat na lamang siya dahil hindi na niya makita ang kanyang cellphone.
“Last June 29 while in Greenbelt 5, I was pickpocketed. YES po nadukutan ako while shopping in the mall. Ang nakuha po sa akin was my cell phone. I will eventually share the whole story but in a nutshell it was believed to be a group effort of 4-6 women, 2 of which bumped me from the front & back ayon sa CCTV footage.”
Dahil dito, nagbabala rin ang aktres sa kanyang mga fans na maging maingat lalo na’t nasa pampublikong lugar sila. Ayon kay Alice, kahit pa mga high-end shopping centers ay hindi na ligtas sa mga magnanakaw.

Read More: Leading Lady Cindy Miranda na Na-Link kay Aljur Abrenica, Nagsalita na Tungkol sa Third Party Issue
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Alice Dixson, Isiniwalat ang Nakakakilabot na Nangyari sa Kanya sa Mall na Nahagip pa ng CCTV! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments