Pinuputakt ngayon ng netizens ang isang lalaking nag ngangalang Alexander Co. Dela Cruz Jr., matapos mag trending ang kaniyang kontrobersyal ngunit sweet na pahayag ukol sa kaniyang asawa at sa kaniyang dating relasyon na nagtagal ng 11 na taon.
Sa kaniyang Facebook post, ipinunto ni Alexander na hindi mahalaga kung gaano niyo katagal kakilala ang isa’t isa upang masigurado ang saya sa inyong pagsasama.
“NA-ISAHAN kita- Isang buwan na ligawan, sinagot ako. Isang buwan na BF/GF, nag-propose ako. Isang taon after KASAL na kami. At hanggang ngaun, masaya. Sobra.”

Ipinaliwanag niya rin ang side ng mga lalaki na nagpapakasal agad matapos ang long term relationship sa kanilang dating nobya.
“Una PEACE OF MIND. Ito ay nakuha niya sa kanyang asawa. Eto iyong araw araw naka focus ka sa pagsasama ninyong mag-asawa. Heto iyong nakahanda ka na siya ang iyong kasa kasama. Mula sa topak at happy moods, pagka gising sa umaga at bago matulog sa gabi. marinig mo lang si misis, kahit may ipaaabot sa iyo kahit malapit lang sa kanya. Eto din iyong panahon na may gustong kang bilhin na bagong parts ng motor, bagong Lego, camera gear o bagong laro sa paborito mong gaming console, eh kukunin mo pa iyong opinion niya bilang respeto.”
Dagdag pa niya, “Naniniwala kasi ako sa mantra na #HappyWifeHappyLife. Ito iyong nag mature na tayo bilang lalaki. Saan ang PEACE OF MIND doon?”
“Si Peace of Mind, may kakambal yan eh. Siya si STABILITY. Tapos may pinsan din sila, si CONTENTMENT. At ang panghuli ay si HAPPINESS.”
Kung kaya para sa lalaki ay walang mali sa ganitong klaseng gawain, kung para naman sa ikasasaya ng tao.

“Men feel Peace when everything is Stable- Physically, Mentally, Spiritually, Emotionally and Financially. When you are in stable state, you feel contented with what you have but you might not always feel happy. Pero pag nahanap mo ang Happiness at Stability with your partner and no one else, that is LEGIT PEACE OF MIND.
Ngunit narito ang ilang komento ng mga personal na nakakikilala kay Alexander, “Anong peace of mind peace of mind na pinagsasabi nito ang gulo ng eksplenasyon halatang mag kauri.”
“May joker na naman, pratice what you preach kuya pls. kaibigan ko po yung GF niya for 11 years and grabe po talagang sakit ang binigay niyang nagpost na yan sa kaibigan ko. Ilang beses ding nagcheat yan at pinagbigyan siya. Di na niya kaya pagsabayin yung kaibigan ko at si ate mo gurl. kaya iniwan niya yung 11 years ayun mas may peace of mind na siya db? tama nga naman. Salute po senyo, tunay po kayong idolo nameng mga chismosa.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Lalaking Nag Trending Dahil Sa Kaniyang Sweet Message sa Long Term Relationships, Isa Pa Lang Mangloloko appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments