Simula nang magsimula ang pandemya ay mas lalo pang tinangkilik ng mga manonood ang mga libangang palabas; gaya ng anime, mga telenovela, mga pelikula at lalo na ang mga korean drama.
Karamihan sa mga Pilipino ngayon ay talaga namang nahuhumaling sa mga palabas na ito dahil sa taglay na ganda ng istorya, mga eksena na tiyak na makakarelate ang mga manonood, at higit sa lahat ay ang mga korean actors at actresses na nagbibigay pantasya sa kanilang mga taga-hanga at taga-suporta.

Isa nga sa mga nahumaling sa panonood ng korean drama ay ang aktres na si Katrina Halili. Ayon sa aktres, simula nang magkaroon ng pandemic at magsimula ang lockdown ay mas tumindi pa ang kaniyang pagkahumaling sa mga palabas na ito, lalo na sa mga koreano.
At kamakailan nga lamang, ipinakilala ni Katrina ang kaniyang di umano ay koryanong secret boyfriend, na nakilala niya ngayong pandemic.

“Noong pandemic wala ngang magawa, na-adik na ako sa mga K-drama. Tapos napanood ko siya, na-adik ako sa kaniya. Ang gwapo!” pahayag ni Katrina sa kaniyang panayam sa “The Boobay and Tekla Show” noong siya ay minsang naging guest dito.
Ipinakita ng nasabing artista ang nasabing ‘secret boyfriend’ sa kaniyang Instagram post. Ito ay ang kanilang edited na picture ng korean actor na su Park Seo Joon. Binati niya ito sa kaniyang post na tila ba ay ito nga ay kaniyang kasintahan.

“Aba nakakakilig! Kinilig ako ulit, ang saya pala!” masayang sabi ni Katrina nang siya ay tanungin kung ano ba ang naging epekto sa kaniya nang makilala niya ang nasabing “secret boyfriend”.
Umani ng iba’t-ibang reaksyon ang post na ito ni Katrina Halili. Maraming ang natuwa at may iba naman ang inaasar ang aktres na “pumila” ito sa kanilang idolo dahil may ibang nauna sa nasabing korean actor.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Katrina Halili, Ginulat Ang Fans Matapos Ipakilala Ang Kaniyang Di Umano’y Korean Boyfriend! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments