Kabilang si Raffy Tulfo sa mga pinakasikat na public servant ngayon sa Pilipinas. Bukod sa pagiging host ng radio program na “Wanted sa Radyo,” mas lalong sumikat si Tulfo dahil sa kanyang Youtube channel na “Raffy Tulfo in Action.” Ang layunin niya ay makatulong sa mga taong naaapi at maging kasandal ng mga taong nangangailangan.
Mahigit dalawang dekada na ring public servant si Tulfo, kaya naman isa na rin siyang trusted public figure. At dahil sa kanyang kabutihang loob, binansagan rin siyang Idol Raffy ng kanyang mga fans.
Ngunit alam niyo ba na hindi lang si Idol Raffy ang talagang kahanga-hanga? Pati ang kanyang pamilya ay kilala rin sa pagtulong sa mga nangangailangan.


Read More: Vice Ganda, Inaming Tuluyang Niyang Iniiwasan ang mga Bagay na ito Dahil Kay Ion Perez
Ang unica hija ni Tulfo ay si Maricel, na talaga namang kamukha ng kanyang ama. Aminadong malapit rin si Maricel sa kanyang daddy, kaya naman kahit pa ngayong ikinasal na sila ni Atty. Gareth Tungol ay malapit pa rin ang loob niya sa kanyang ama. Namana rin ni Maricel ang good traits ng kanyang ama pagdating sa pagtulong sa kapwa.
Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Maricel na natural na sa kanyang ama ang pagiging matulungin sa mga nangangailangan.
Tinuruan rin daw sila nito ng kanyang kapatid na si Ralph na maging bukas palad sa ibang tao. Kaya naman lumaki silang tumutulong rin sa serbisyo ng kanilang ama ng walang kapalit.


Agaw atensyon si Maricel sa social media hindi lang dahil sa kanyang kabutihang loob, kundi dahil sa kanyang artistahin looks. Kaya naman agad itong umani ng mga fans at followers sa kanyang social media accounts, gaya na lamang sa Instagram at sa kanyang Youtube channel.
Nitong nakaraang taon lang ay ikinasal si Maricel sa kanyang asawang si Atty. Gareth Tungol, na siyang legal adviser sa programa ni Raffy Tulfo. Nabiyayaan rin sila ng napakacute na anak na pinangalanan nilang Maxwell Grayson.
Read More: Tony Conjuangco, Viral Matapos Aminin Ang Bagay na ito Tungkol sa Asawang si Gretchen Barretto!


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Kilalanin ang Mala-Artistang Unica Hija ni Raffy Tulfo na Nagmana sa Kanyang Ama sa Kabaitan appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments