Ang pagnanais ng mga tagahanga na magkatoon man lamang ng isang larawan, bilang souvenir, kasama ang kanilang mga iniidolo ay tila normal na sa lipunan.
Maging ang mga pagkakataon na ang mga ito ay namaamasyal sa mall o kaya’y nagbabakasyon sa isang beach resort ay hindi pinapalampas ng mga tagahanga dahil tila ba ito na lamang ang kanilang pagkakataon upang makausap o makapagpapicture sa kanilang mga hinahangaang personalidad.

Isa na rito si Dennish Diane, isang saleslady sa isang mall. Akala ni Dennish ay normal na araw niya lang noon ngunit nagulat siya nang makita niya na naglalakad sa mall ang kaniyang iniidolo na si Jerico Rosales.
Naglakas ng loob si Dennish upang magpapicture kay Jericho ngunit sumagot lamang ito ng, “Sige hahanap lang ako ng store.”
Dahil sa akala ng dalaga na ang sinabi ni Jericho ay isang di direktang pagtanggi sa kaniyang hiling, bahagyang napasimangot ito at inisip na masungit pala ang nasabing aktor.
Ngunit, hindi niya akalain nang matapos itong mamili ay binalikan siya nito upang pagbigyan ang kaniyang hinihiling na larawan sa aktor. Dahil doon, lalong lumambot ang puso ni Dennish para kay Jericho.

Nang ipost ni Dennish ang larawan kasama ng kaniyang karanasan mula sa pagtatagpo nila ng nasabing aktor, pinahayag niya dito kung gaano siyang humahanga sa kabutihan na pinakit ani Jericho.
Marami ring nga fans ang nagkumento sa post ni Dennish at lahat sila ay natutuwa sa ginawa ng aktor. Ang post na ito ay umabot ng humigit-kumulang kalahating milyong reaction at shares kaya naman mas marami ang nalaman ang totoong ugali di umano ni Jericho.
Hindi maitatanggi na kahit saan man sila magpunta ay lubhang napaka-busy ng mga artista. Hindi lamang dahil sa kanilang mga trabaho o proyekto, ngunit dahil sa likod ng mga ilaw ng kamera ay isa pa rin silang normal na tao na may mga bagay na kailangan asikasuhin.
Kaya’t mas lalong naantig ang puso ng mga fans dahil sa ginawa Jericho Rosales. Pinatuyan ng aktor na siya ay totoong nagmamahal sa kaniyang fans at marunong makisalamuha kahit pa hindi kilalang personalidad ang kaniyang makasama o makausap.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Isang Saleslady, Hindi Makapaniwala Matapos Itong Gawin Ni Jericho Rosales Sa Kaniya appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments