“Katas ng Adonis”- Macho Dancer, Proud na Nakapagpundar ng Bahay at Lupa Mula sa Pagsasayaw

Sa panahon ngayon, hindi mo makakamit ang iyong pangarap kung hindi ka magsisikap. Kaya naman hindi na uso ngayon ang tamad. Kahit anong paraan ay susubukan para lamang unti-unting makamit ang pangarap. Gaya na lamang ng lalaking ito, na nag-viral sa social media dahil sa kanyang kakaibang trabaho!
Kamakailan lang, na-feature sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kwento ni Evo Martin, na naghahanapbuhay bilang isang macho dancer. Sa umaga, isa siyang magsasaka, ngunit pagsapit ng gabi ay pagsasayaw ang ginagbvawang hanapbuhay nito. Dahil sa pagsasayaw niya, nakapagpundar na rin si Evo ng bahay.
Kilala siya bilang ‘Yum Evo’ ng kanyang mga kliyente. At dahil kalagitnaan ng pandemic, virtual sessions na rin daw ang ginagawa ni Evo. Sa panahon ngayon, sa Zoom na kadalasan nagpe-perform si Evo. Nagsimula daw ito nang i-message siya ng kanyang kaibigan kung willing ba siyang mag-perform online.
“A friend messaged me, asking if I was willing to perform over Zoom. Ok lang basta sasayaw lang ako dito sa loob ng bahay lang, para safety na rin. Sa mga tip pa lang, panalo na. Send niyo muna sa GCash then saka na ako magsasayaw,” pahayag ni Evo sa kanyang interview sa “Kapuso Mo, Jessica Soho.”
Ayon pa kay Evo, malaki rin ang kinikita niya sa kanyang pagsasayaw. Sa katunayan, dahil dito ay nakaipon siya ng sapat na pera upang mabili ang kanilang lupa na dati’y nakasanla. Nagawa rin niyang makapagpatayo ng bahay na umabot sa mahigit P2 milyon ang pagpapagawa.
Sa kabilang banda, ayon naman kay CIDG-PNP Head Pltcol. Ivy Castillo, hindi illegal ang macho dancing sa Pilipinas.
“Nagiging illegal lang siya kung nagsasayaw lang siya ng hubad-hubad na pinipilit siya for the purpose of sexual exploitation. Nakikita ko na magiging violation siya sa batas natin dito sa Pilipinas,” dagdag pa ni Castillo.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post “Katas ng Adonis”- Macho Dancer, Proud na Nakapagpundar ng Bahay at Lupa Mula sa Pagsasayaw appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments