Kamakailan lang, nagulat ang publiko nang i-anunsyo ng aktres na si Jennica Garcia na hiwalay na sila ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Ayon kay Jennica, ‘mutual decision’ nila ito, ngunit hindi naman niya ibinigay ang rason ng kanilang hiwalayan. Ngunit umugong ang usapan na maaaring third party ang naging mitsa ng relasyon nila.
Kumalat ang balitang ito matapos magparinig si Jean Garcia, nanay ni Jennica, sa social media. Sa Instagram ay nag-post si Jean ng quotes tungkol sa pagiging ‘faithful’ sa iyong misis. Diretsahan niya ring kinompronta si Alwyn dahil sa mga heartaches na di umano’y ibinigay nito kay Jennica.


Read More: “Anakan mo ko”- Paulo Avelino, May Prangkang Sagot sa Bastos na Fan sa Twitter!
Sa kabilang banda, kahit pa mabigat ang pinagdaraanan ni Jennica ngayon ay marami naman ang nakakapansin sa malaking pagbabago niya.
Nagbiro ang mga fans na simula nang maghiwalay sila ni Alwyn, mas lalong gumanda at naging blooming ang aktres! Sa Instagram ay bumabaha rin ng comments na nagiging sexy mommy na si Jennica.
Ipinahayag rin ni Jennica na labis ang pasasalamat niya sa mga fans na sumusuporta sa kanya. Aminado man siyang mayroon siyang mabigat na pinagdadaanan, natutuwa naman siya sa suporta ng mga netizens sa kanya. Ayon pa kay Jennica, kahit pa may problema ay hindi dapat mawala ang ating self-esteem.


“Pero wag natin hayaan mawala yung true self natin. Yung confident pa rin tayo sa mga moments na di tayo kagandahan.
Kaya pa rin natin dapat tawanan itsura natin. Wag tayo magpapanic na hala ang pangit ko dito ganyan. Walang taong pangit,” dagdag pa nito sa kanyang IG profile.
Sa ngayon ay patuloy pa ring sinusuyo ni Alwyn ang kanyang asawa. Sa Instagram, sunod-sunod ang pagpo-post nito tungkol sa kanyang asawa at sa kanilang dalawang anak, ngunit dedma lang si Jennica.
Read Also: Sharon Cuneta, Ginulat Ang Fans Matapos Aminin Na Umabot Sa Kalahating Bilyon Ang Utang Niya


Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento at latest na balita, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.
The post Mga Netizens, Napansin ang Sexy Transformation ni Jennica Garcia Matapos Itong Maging Single Mom! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments