Karamihan sa mga celebrities ngayon ay gumagawa na rin ng kanilang sariling Youtube channel. Bukod sa dagdag kita, isang paraan rin ito upang mas mapalapit pa sila sa kanilang mga fans sa social media. Kaya naman bilang content creator, kung ano-anong paandar at gimik rin ang naiisip nila para magkaroon ng maraming views, gaya na lamang ng mga prank videos.
Isa na si Angeline Quinto sa mga artistang gumawa ng kanilang sariling Youtube channel. At kahit bago pa lamang siya sa Youtube, marami na agad subscribers ang Kapamilya singer dahil sa kanyang ‘kalog’ na personality. Kaya naman mabenta sa mga viewers ang kanyang mga vlogs!

Read More: Vice Ganda, Inaming Tuluyang Niyang Iniiwasan ang mga Bagay na ito Dahil Kay Ion Perez
Kamakailan lang, muli na namang nagbahagi ng kanyang bagong video si Angeline. At dahil kakatapos lang ng kanyang house tour, ipinasilip naman ng singer ang kanyang diumanong bagong bahay sa Batangas. Ayon sa aktres, matapos niyang ibenta ang bahay sa Quezon City ay sa Batangas na siya namamalagi.
Sa kanyang latest vlog, ipinasilip ni Angeline ang mala-resort na rest house na kanyang tinutuluyan sa ngayon. Pagpasok pa lang sa malawak na property ay bubungad na agad ang painting ng isang Koi fish. Ayon kay Angeline, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sariling fish pond.

Ipinasilip rin ni Angeline ang iba’t-ibang amenities ng rest house, gaya na lamang ng mini kitchen na hindi madalas ginagamit. Mayroon din itong napakalawak na veranda kung saan maaari kang mag-relax, at siyempre hindi mawawala ang refreshing na swimming pool.
Ngunit sa huli ay inamin rin ni Angeline na isang prank lamang ang lahat. Tinawag nito ang kanyang fellow actress na si Sylvia Sanchez, at inamin na kay Sylvia pala talaga ang napakagandang property na ito. Pinasalamatan rin ni Angeline ang beteranang aktres sa pagpayag nitong mag-house tour siya sa bahay nito.

Read More: Tony Conjuangco, Viral Matapos Aminin Ang Bagay na ito Tungkol sa Asawang si Gretchen Barretto!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
The post Angeline Quinto, Inangkin ang Mala-Resort na Bahay sa Batangas, Ngunit Ito Pala Talaga ang Totoong May-Ari appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments