Silipin ang Buhay Ngayon ni ‘Killer Smile’ Rainier Castillo at Dating Ka-partner rin ni Yasmien Kurdi

Naaalala niyo pa ba si Rainier Castillo? Kung ikaw ay matagal nang nakaabang sa telebisyon, malamang ay pamilyar ka na rin sa mukha ng talentadong aktor na ito. Ilang taon na rin ang nakalipas simula nang tuluyang lisanin ni Rainier ang showbiz, ngunit hanggang ngayon ay maraming fans pa rin ang nagbabakasali sa comeback ng aktor.

Bago natin silipin ang buhay niya ngayon, magbalik tanaw muna tayo sa makulay na career ni Rainier sa showbiz. Sa murang edad na disiotso anyos ay sumabak na ito sa showbiz industry matapos sumali sa talent search program na “Starstruck.” Kabilang siya sa mga contestants ng first season nito.

Read More: Ganito na Pala Kataas ang Nakakalulang Net Worth ni ‘Yaya Dub’ AKA Maine Mendoza!

Ngunit hindi pinalad si Rainier na maging grand winner, matapos itanghal si Mark Herras bilang ultimate survivor. Gayunpaman, dahil sa charm at talento ni Rainier, hindi nagtagal ay nakatanggap rin ito ng kaliwa’t-kanang offer hanggang sa pumirma na siya ng kontrata sa Kapuso network.

Bukod sa kanyang galing sa pag-arte, maraming fans rin ang nahumaling dahil sa mala-killer smile ni Rainier! Sa katunayan, binansagan siyang Dao Ming Xi ng Pinas dahil sa kanyang pamatay na ngiti. Marami rin itong naging sikat na project, gaya na lamang ng “Mulawin,” “Majika,” “Kamandag,” “Fantastic Man,” at “Tasya Fantasya.”

Matapos ang ilang taon ay huminto muna sa pag-arte si Rainier upang makapagfocus sa kanyang personal na buhay. Ngunit nitong nakaraang taon lamang, muli itong pumirma ng kontrata sa Viva Entertainment. Muling pinakilig ni Rainier ang kanyang mga fans sa kanyang appearance sa “Wattpad Presents” at “Lola Basyang.”

Nagsimula rin siya ng kanyang sariling heavy equipment business. Bukod pa dito ay nagpartner sila ng kanyang fellow star na si Mark Herras sa isang parkour gym and urban training sa Maginhawa St. Quezon City.

Read More: Kris Aquino, Ni-Realtalk ang Isang Basher na Lumait sa Kanyang Sa Pag Tawag Sa Kaniya ng Pangit Pag Walang Makeup!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow ng aming Facebook page.

The post Silipin ang Buhay Ngayon ni ‘Killer Smile’ Rainier Castillo at Dating Ka-partner rin ni Yasmien Kurdi appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments