Isang kwento na naman mula sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang nagpatunaw sa puso ng mga netizens. Nitong nakaraang linggo lang ay ibinahagi nila ang kalagayan ng isang taong gulang bata na ito mula sa Catarman, Camiguin. Isinilang si John Dave na mayroong kakaibang kondisyon- wala siyang parehong dalawang mata.
Ayon sa mga magulang ni John Dave na sina Jun Mark at Adelfa, labis ang gulat nila matapos makita sa unang pagkakataon ang kanilang anak. Hindi nila akalain na ganito ang sasapitin ni John Dave, lalo pa’t wala namang masamang nangyari kay Adelfa habang ipinagbubuntis niya ito.

Read More: Ganito na Pala Kataas ang Nakakalulang Net Worth ni ‘Yaya Dub’ AKA Maine Mendoza!
“Nu’ng una kong nakita ‘yung anak ko na walang mga mata, nanikip ‘yung dibdib ko. Umiyak ako. Tinanong ko ang Diyos kung bakit siya nagkaganyan. Sinabi ko sa sarili ko na kung puwedeng ilagay sa kanya ‘yung mga mata ko para lang makakita siya, gagawin ko,” pahayag ni Jun Mark sa kanilang interview.
Dahil sa kanyang kalagayan, labis na nahihirapan ang bata sa kanyang pang-araw araw na pamumuhay. Lagi rin daw itong nababangga sa kanilang pinto o dingding. Ngunit kahit pa wala itong talukap ng mata, napapansin ng mag-asawa na tila ba nasisilaw si John Dave tuwing natatapat ito sa liwanag.


Sa tulong ng KMJS ay ipinatingin naman nila si John Dave sa isang espesyalista upang malaman kung may pag-asa pa ba itong makakitang muli. Ayon kay Dr. Cielo Roxas, kailangang sumailalim ni John Dave sa CT scan at eye ultrasound upang makita kung maaari pa ba siyan maoperahan.
“Gusto kong makipagpalit ng sitwasyon sa kanya.
Para makakita siya ng liwanag. Para hindi na niya kailangan pang magtiis. Sana po makakita pa siya,” panalangin ng ama ni John Dave.

Panoorin ang buong kwento ni John Dave dito:
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow ng aming Facebook page.
The post Mga Magulang, Labis ang Hinagpis Matapos Ipanganak ng Walang Mata ang Kanilang Anak appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments