Paniguradong hindi lahat ng tao ay hihinto kapag may narinig na kakaiba sa daan. Para sa iba ay wala silang oras huminto dahil may iba pa silang paroroonan. Ngunit nakakamangha ang lalaking ito, dahil hindi talaga siya napakali hangga’t hindi niya nalalaman kung saan nagmumula ang iyak na naririnig niya!
Kaya naman pinakinggan niya ito ng mabuti upang malaman kung saan itong nanggagaling. Saka niya lamang napagtanto na nanggagaling pala ito sa ilalim ng lupa!
Agad kumuha ng pala ang lalaki upang masilip kung ano ang pinagmumulan ng ingay, at halos hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.

Read More: Ganito na Pala Kataas ang Nakakalulang Net Worth ni ‘Yaya Dub’ AKA Maine Mendoza!
Matapos ang ilang minutong paghihintay ay tumambad sa kanyang ang isang aso. Sa kanyang paghuhukay ay tumagos siya sa isang cellar o basement, kung saan nakakulong ang aso. Walang tigil ito sa pag-iyak, at tila ba inabandona na ito dahil wala itong pagkain o kahit pa tubig man lang.
Talagang nakakahabag ang kalagayan ng aso. Payat na payat na ito, at halos hindi na rin makagalaw ng maayos. Suspetsa ng mga nag-rescue ay ilang araw na itong naiwan ng walang pagkain o tubig. Kung hindi pa nila ito napansin ay paniguradong hindi tatagal ang aso sa ganitong klaseng kalagayan.


Hindi nagdalawang isip ang lalaki na kunin ang aso. Maya-maya pa, dumating na rin ang pulis at rescuers upang matulungan ito. Makikita rin na tila ba kahit papano’y gumaan ang pakiramdam ng aso dahil hindi na siya nakakulong. Sa kabilang banda, umani naman ito ng iba’t-ibang komento sa social media.
Maraming netizens ang sumaludo sa kabutihang loob ng lalaking ito. Silipin ang mga komento nila sa ibaba:
“This guy is awesome who ever put the dog in there needs to go to jail.”
“Bless those citizens for saving the poor dog! I love animals and seeing this was horrible but inspired me to be a better owner!”
“I’m crying my eyes out this man is a true hero.”


Panoorin ang buong video dito:
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow ng aming Facebook page.
The post May Narinig na Kakaibang Ingay ang Lalaking Ito Mula sa Ilalim ng Lupa, at Di Siya Makapaniwala sa Nahukay Niya! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments