Trending ngayon ang larawan ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi kasama ang pamilyang Belo-Kho, matapos may mapansin ang mga netizen na kakaiba sa litratong ito.
Bilang selebrasyon ng pagiging bagong endorser ng Belo Medical Groups, ibinahagi nila ang larawan ni Ivana kasama ang mga celebrity doctors na si Vicki Belo at Hayden Kho.
Sa larawan ay makikita mo rin ang anak ng dalawa na si Scarlet Snow, na siyang nag upload ng mismong litrato sa kaniyang Instagram account.

Saad nito, “Spent a day with the mermaid, @ivanaalawi and I realized I’ve never seen a mermaid that’s not pretty. All of them are beautiful and their skin flawless. I’m sure it’s the #BeloMermaidFacial”
Ngunit may kakaibang detalye na napansin ang mga netizens.
Di umano ay kataka-takag naka akbay si Hayden kay Ivana, imbis sa kaniyang asawang si Vicki!

Tila binigyan naman ng netizens ng malisya ang maliit na bagay na ginawa ng doktor at muli na namang naungkat ang kaniyang eskandalo maraming taon na ang nakalilipas.
Ayon sa komento ng ibang netizens:
“Bat kay ivana nakaakbay. ..Prang siLa tuloy ung magasawa tapos parang nagmukhang byenan nya yung asawa nya”
“Oi.. Ba’t kay ivana nka akbay.. Kay doc belo hindi.”

Ngunit sa kabila nito ay marami-rami ring nag tanggol sa doktor.
Ayon sa ibang netizens, tila hindi na tamang lagyan pa ng masamang kahulugan ang simpleng pag akbay na ginawa ni Hayden sa aktres, na malamang umano ay nais lang iparamdam sa kaniya na kasali na siya sa kanilang team.
“minsan nakakahiya maging pinoy dahil sa mga tao pinoy na nega”
“i dont see anything wrong. mukha ngang panganay na anak ni doc hayden at doc belo c ivana at bunso c scarlet”
“Masama lang yan sa paningin ng mga madudumi ang isip”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Larawan Ni Ivana Alawi Kasama Si Hayden Kho, Viral Ngayon Sa Social Media appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments