Naaalala Niyo pa ba ang Dating Aktres na si Trina Zuniga? Ito na Pala ang Buhay Niya Ngayon!

Naaalala niyo pa ba ang dating aktres na si Trina Zuniga? Kung ikaw ay matagal nang nakatutok sa showbiz, malamang ay kilala mo rin ang napakagandang artistang ito. Mahigit dalawang dekada na rin ang nakakalipas nang pasukin ni Trina ang mundo ng showbiz matapos siyang magkaroon ng kontrata sa GMA Artist Center.

At dahil kabilang siya sa first batch of talents ng Artist Center, napabilang rin si Trina sa youth-oriented series na “Click.”

Noong mga panahong iyon, agad na tumatak sa puso’t isipan ng mga fans ang batang aktres dahil sa charm nito sa harap ng kamera at sa galing nito sa pag-arte.

Read Also: Sa Kabila Ng Paghihiwalay, Jon Gutierrez “King Badger”, Ipina-tattoo Ang Mata Ng Asawang Si Jelai Andres

Hindi nagtagal ay nagkaroon rin ng kaliwa’t-kanang offer si Trina, dahil mas lalong dumarami ang nakakapansin sa potential niya.

Hindi nagtagal ay nagdesisyon itong lisanin ang kanyang home network at lumipat sa rival station na ABS-CBN upang mag-explore sa kanyang career.

Matapos ang network switch ay nagdesisyon na rin si Trina na talikuran ang mundo ng showbiz. Mas nais niyang mag-focus sa kanyang personal na buhay at pag-aaral. Kaya naman maraming fans ang paniguradong nagtataka ngayon kung ano na kaya ang buhay ni Trina Zuniga matapos iwan ang showbiz.

“When I left showbiz, I was still a college student. I decided to focus on my studies because I wanted a career outside of show business. After I graduated, I worked at a hotel and became an Events Manager for a few years. After I left the hospitality industry, I did makeup artistry for TV commercials,” pahayag ni Trina sa kanyang exclusive interview sa PEP.

Noong 2008 ay ikinasal si Trina sa director na si Sid Maderazo, at hindi nagtagal ay nabiyayaan sila ng tatlong anak. Bukod sa pagiging full time mom, noong 2014 ay nag-launch rin si Trina ng bento-making workshops na BentoByKat.

Ayon pa dito, kahit pa wala na siyang balak bumalik ng showbiz ay marami naman siyang natutunan sa kanyang career.

Read More: Ilang Taong Sinuot ng Babaeng Ito ang Regalong Kwintas, Ngunit May Nakatagong Sikreto Pala Ito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook.

The post Naaalala Niyo pa ba ang Dating Aktres na si Trina Zuniga? Ito na Pala ang Buhay Niya Ngayon! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments