Ellen Adarna at Derek Ramsay, Nanindigang Walang Nangyari Sa Kanilang Dalawa Bago Pa Man Maging Sila!

Kahit naging mabilis ang kanilang relasyon, nanindigan si Derek Ramsay na walang nangyari sa kanila ng fiance na si Ellen Adarna bago sila magkatuluyan isang buwan matapos silang magkakilala.

Sa bagong vlog ng celebrity doctor na si Vicki Belo ay ibinunyag ng mag kasintahan ang mga detalye tungkol sa kanilang halos apat na buwang relasyon.

Ayon kay Ellen, nagkaroon sila ng “palpak” na first kiss isang gabi noong hinatid siya ni Derek sa kanilang bahay, ngunit hindi umano counted iyon.

“Ang tagal ko inisip. Parang, ‘Okay. Should I kiss him?’

“And then natawa ako sa sarili ko. ‘Why am I stressing about this?’

“So, finally, I decide to kiss him, and then natawa na ako sa sarili ko.”

Dagdag naman ni Derek, “Everyone thought na there’s something that happened. Nothing happened for us, not even until naging kami,”

Ayon pa sa aktor, tumatak di umano sa kaniyang isipan ang sinabi ni Ellen sa kaniya noong minsang nag party sa bahay nila.

“She was drunk, e. She was, like, ‘If this ever happens, it has to be when I’m sober… So that I can feel the energy.’

“All the other times we were hanging out, I wanna respect her.

“I want her to know where this is going.”

Kaya naman kahit hindi naniniwala ang kanilang mga kaibigan sa “wholesomeness” ni Derek, ay alam ni Ellen ang totoo at ito kamo ang dahilan kung bakit lalo pa siyang nahulog sa aktor.

“Yeah, like nothing.

“And my friends won’t believe me. They’re like, ‘Are you sure?’ I was, like, ‘Yeah, I am so sure.'”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Ellen Adarna at Derek Ramsay, Nanindigang Walang Nangyari Sa Kanilang Dalawa Bago Pa Man Maging Sila! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments