Ganito na Pala Kataas ang Nakakalulang Net Worth ni ‘Yaya Dub’ AKA Maine Mendoza!

Isa si Maine Mendoza sa mga pinakahinahangaang celebrities ngayon sa Pinas. Kahit pa masasabing baguhan pa lamang si Maine sa mundo ng showbiz, hindi maikakaila na successful ang career nito. Nagsimula itong sumikat sa video-sharing platform na ‘Dubsmash,’ hanggang sa naging guest si Maine sa noontime show na “Eat Bulaga.”

Noong 2015 ay mas lalo pang sumikat si Maine nang mabuo ang AlDub na love team nila ni Alden Richards. Marami ang talagang kinilig dahil sa chemistry ni Maine at Alden sa ‘Eat Bulaga.’ Nagkaroon sila ng box-office na mga pelikula, top-rating na television series, at international concerts!

Read Also: Sa Kabila Ng Paghihiwalay, Jon Gutierrez “King Badger”, Ipina-tattoo Ang Mata Ng Asawang Si Jelai Andres

Ngunit kahit pa nabuwag na ang kanilang love team, maraming fans ang patuloy na sumusuporta sa aktres. Patuloy nilang sinusubaybayan ang career ni Maine, kaya naman patuloy rin ang paglago ng 26-anyos na aktres. Sa katunayan, isa siya sa mga itinuturing na richest young celebrities ngayon.

Bago pa man siya magkaroon ng showbiz career ay mayaman na ang pamilya ni Maine, kaya nakapag-aral rin ito ng culinary couse sa ibang bansa.

Ngunit sa tulong ng kanyang career ay nakapagpundar rin si Maine ng ari-arian at negosyo, gaya na lamang ng sikat na fastfood chain na McDonald’s.

Bukod sa pagiging endorse nito, alam niyo ba na franchise owner rin si Maine ng isang McDonald’s branch? Ayon sa report, tinatayang aabot sa Php 606,980,273 ang net worth ni Maine noong 2017, at inaasahang lalago pa ito dahil sa kanyang mga naka-line up na projects.

Kaya naman hindi na rin nakakapagtaka kung bakit si Maine ang top regional taxpayer dati. Kahit pa mataas ang kanyang talent fee, isa siyang responsableng mamamayan na laging nagbabayad ng buwis at tumutulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng charity.

Read More: Ilang Taong Sinuot ng Babaeng Ito ang Regalong Kwintas, Ngunit May Nakatagong Sikreto Pala Ito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook.

The post Ganito na Pala Kataas ang Nakakalulang Net Worth ni ‘Yaya Dub’ AKA Maine Mendoza! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments