Photographer, Kinilabutan sa Nakita Niya sa Background ng Wedding Photo na Ito!

Para sa dalawang taong nagmamahalan, ang araw ng kasal ang pinakaimportanteng okasyon sa kanilang buhay. Kaya naman ilang buwan bago ang kanilang pag-iisang dibdib ay labis na nila itong pinaghahandaan. Libo-libo rin ang ginagastos nila masigurado lang na magiging perfect ang araw na ito.

Isa sa mga pinagkakagastusan ng bride at groom ay ang photographer. Dahil once in a lifetime lang ang kanilang kasal, nais nilang siguraduhin na mayroon silang souvenir sa espesyal na araw na ito.

Ngunit paminsan-minsan, hindi mapigilang mayroong photobomber na maaaring makasagabal sa inyong mga wedding photos!

Read More: Matapos Magpa-Ultrasound, Hindi Makapaniwala sa ang Babaeng na Ito sa Nakita sa Loob ng Kanyang Tiyan!

Isang bride at groom mula sa New Orleans, Louisiana ang nagulat matapos makita ang nagtatagong view sa kanilang wedding photos. Sa unang tingin, aakalain mong perfect ang aerial shot na ito. Ngunit kapag tinitigan mo itong mabuti, mapapaisip ka sa nasa background ng larawan.

Napansin na lamang nila ito matapos ang event. Habang ine-edit ng photographer ang mga larawan, nakita niya na tila may mga creepy na statue sa background ng wedding venue. Sa unang tingin, aakalain mo talagang mga tao ito dahil sa kanilang tindig.

Ngunit nang i-zoom in niya, saka niya lamang napagtanto na mannequins lang pala ang mga ito. Ang mga mannequin ay nakasuot ng maroon na damit at itim na sumbrero, habang nakatakip naman ang kanilang mga mukha. Ito ay isa palang art installation ng isang sikat na artist.

Ayon sa report, ang artist na si Dawn Dedaux ang gumawa ng art installation na ito, na inspired sa novel ni John Kennedy Toole na “A Confederacy of Dunces.”

Read More: Lalaking Na-Bully sa High School Dahil sa Kanyang Timbang, Pinahanga ang mga Bully Niya sa Bago Niyang Itsura Ngayon!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Photographer, Kinilabutan sa Nakita Niya sa Background ng Wedding Photo na Ito! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments