Viral ngayon ang former actress turned politician na si Alma Moreno matapos siyang ipatulfo ng isang condo owner sa Paranaque matapos ang di umanong perwisyong iniwan niya sa unit na inupahan nito.
Huwebes, June 3, dumulog sa programang Raffy Tulfo In Action si Theresa Grenard, isang OFW na naka base sa Dubai, UAE upang isiwalat ang kaniyang problema kay Alma at ang kawalang kooperasyon di umano nito sa problema.
Ayon kay Theresa, August 2020 pa tumira si Alma sa kanyang pagmamay-aring unit sa Azure Urban Resort Residences sa ParaƱaque.
Salaysay niya, “Nung August 23, nagkataon pa na nasa Pilipinas ako.

“Tapos nagpunta po dun si Alma, nakiusap na… hindi ko talaga pinaparentahan ang condo ko kasi nga pandemic.
“’Tsaka ang daming hininging [papeles] ang Azure para makapag-stay sa Azure. So, sabi naman po ni Alma, magagawan niya po ‘yan ng paraan.
“So, pumayag na rin po ako kasi nagtatrabaho po yung kapatid ko sa kanya.
“So, kakilala namin siya, kakilala siya ng kapatid ko.”
Kalaunan ay pumayag na rin ang may-ari na parentahan sa aktres ang condo ng isang buwan. Nagbigay raw si Alma ng paunang bayad na P35,000. Discounted na raw yun.

Ngunit matapos ang ilang buwan ay hindi na umano nakikipag usap si Alma ka Theresa.
Ayon naman sa kapatid ni Theresa na si Jet, busy raw ang aktres sa taping.
Ngunit nais nang makausap ni Theresa si Alma matapos niyang mapag alaman na matapos lumayas ng walang paalam sa condo ay nag iwan pa di umano ang aktres ng electric bill na nagkaka halagang 40,000 PHP!
Ang nais lamang niya ay bayaran ni Alma ang bill ng kuryente na lagpas sa P40,000.

Saad ni Theresa, “Kumbaga, yung Meralco na lang na kinonsumo po nila, sila naman po ang gumamit noon, e.”
Sinukang kontakit ng mga staff ni Raffy Tulfo si Alma ngunit tumanggi itong magpa on-air.
Sabi naman daw ni Alma sa isa niyang staff, “Alam ng Diyos na wala akong ginagawang masama. Alam ng Diyos ‘yan kaya hindi ko kailangang mag-explain sa inyo.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Aktres Na Si Alma Moreno, Ipinatulfo Ng Isang Condo Owner Matapos Takasan Ang Unit Na May 40k Na Electric Bill appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments