Isa sa pinaka gasgas na kasabihan sating mga Pilipino ay ang ” Kapag may isinuksok, may madududkot”. napakahalaga ng pera para sa atin lalo na ngayon sa panahon ng pandemya. Sobrang laking bagay ng pag-iipon lalo na kapag nangailangan tayo ay alam nain kung saan kukuha.
Tulad na lamang ng isang pamilya na namatayan ng ama. Ayon sa Facebook post ni Dy Dela Paz, isa sa mga pinoproblema nila ay ang perang gagamitin sa pagpapalibing ng kanilang ama. hindi nila alam kung saan kukuha o manghihiram lalo na’t pandemya.

Ngunit ang problemang iyon ay natapos ng mapansin nila ang isang bag na pinakatatago ng ama ni Dy. Nang buksan na nila ang bag na natagpuan ay nagulat ang pamilya sa nakita ng mga ito. Ang bag ay punong-puno ng mga pera.
Dahil doon, naalala nila ang laging sinasabi ng ama sa kanilang nanay na hindi na umano nito kilangan mag withdraw sa bangko dahil may pera naman silang pamilya.

Nang matagpuan at malaman kung ano ang laman ng bag ay nabuo ang kanilang haka-haka na nandoon ang perang tinutukoy ng kanilang ama. Ni hindi rin daw ito pinapalabhan ng kanilang ama at lagi itong bitbit. Ang pera ay nakabalot sa papel at plastic ng hamburger.
Sabi sa post ni Dy
“HANGGANG SA HULI TAY KAMI PA DIN INIISIP MO”

Ang pamilya nila Dy na noon ay hindi alam kung saan kukuha ng malaking halaga ay ngayong hindi na ito iniisip, dahil ang perang nakuha nila sa bag ng yumao nilang ama ay umabot sa halagang dalawang daan at limang libong piso.
Sapat na upang maipalibing ang ama.
Maraming netizens ay humanga at natuwa sa kwento ni Dy.
Ang kwento ng ama ni Dy ay isa lamang sa mga patunay na mahalaga ang pag-iipon dahil hindi natin alam kung kailan ito kakailanganin.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Mag-Inang, Hindi Inaasahang Natuklasan Ang Bagay na ito sa Bag ng Kanilang Padre de Pamilya Matapos Itong Bawian ng Buhay appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments