Pabrika na Nagpasahod ng Barya sa Trabahador, Haharap sa Imbestigasyon ni Mayor Rex Gatchalian

Kamakailan lang, isang trabahador ang nagpahayag ng kanyang saloobin sa social media tungkol sa di makatarungang pagpapasahod sa kanya. Ayon sa isang netizen, nakatanggap ng ilang plastik na sentimo ang kanyang pinsan mula sa pinagtatrabahuhan nitong pabrika sa Valenzuela. Humigit kumulang P1,056 ang ipinasahod sa kanya na mga sentimo at barya.

Sinubukan di umano ng trabahador na ibalik ito sa kumpanya, ngunit hindi na raw pumayag ang kumpanya na tanggapin ito.

q eAyon pa sa kanya, sa tingin niya ay pinaparusahan siya ng management dahil madalas niyang punain ang mga pagkukulang at unfair labor practices sa kanilang workplace.

Read More: Vice Ganda, Inaming Tuluyang Niyang Iniiwasan ang mga Bagay na ito Dahil Kay Ion Perez

Ayon sa report, ang pabrika na nagpasahod ng sentimo ay ang Next Green Factory. Matapos mag-viral ang larawan ng mga barya sa social media, agad naman itong nakarating sa mga kinauukulan. Agad ring nakipag-ugnayan si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa nasabing factory worker upang malutas ito.

Sa isang statement, ibinahagi ni Mayor Gatchalian na isang representative mula sa Next Green factory ang nakipag-ugnayan sa kanila.

Ayon dito, hindi raw sinasadya ang pagpapasahod ng barya sa isang worker. Ang mga barya daw ay pangbigay sana nila sa donasyon, at maaaring nagkamali lamang sa pagbigay sa trabahador.

Hindi naman ito umubra kay Mayor, na nag-demand na makausap ang may-ari ng pabrika at mapagharap sila ng kanyang trabahador.

“I’ll face the owner himself with the concerned worker on Wednesday. Sending a company representative won’t cut it for me. I’ll see to it that we get to the bottom of this ‘cruel and unusual’ labor practice and deal with it accordingly.”

Dagdag pa ni Mayor Gatchalian, kung mapapatunayang lumalabag sa labor laws ang kompanya dahil sa kanilang unfair practices, hindi siya magdadalawang isip na ipasara ito.

Read More: Tony Conjuangco, Viral Matapos Aminin Ang Bagay na ito Tungkol sa Asawang si Gretchen Barretto!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Pabrika na Nagpasahod ng Barya sa Trabahador, Haharap sa Imbestigasyon ni Mayor Rex Gatchalian appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments