Isa si Paulo Avelino sa mga pinakahinahangaang aktor sa industriya ng showbiz. Sa ilang dekada nito sa industriya ay maraming fans na ang nahumaling sa 33-anyos na aktor. Bukod sa husay at talento nito sa pag-arte, talagang marami rin ang nahuhumaling kay Paulo dahil sa tisoy looks nito!
Dahil dito, maraming netizens rin ang nagpapahayag ng kanilang strong feelings para sa aktor sa social media. Bilang isang avid gamer, kilala rin si Paulo sa pagiging active nito sa social media, partikular na sa Twitter. Kamakailan lang, nag-reply ito sa isang fan na mayroong maanghang na hamon sa kanya!

Isang Twitter user ang nag-tweet kay Paulo ng: “Anakan mo ko kapag nag champ EXE Paulo.” Imbes na i-ignore lamang ang netizen na ito, nagreply naman ang aktor na lalo pang nagpatawa sa mga netizens. Isang simpleng “Ayaw ko” ang sinagot ng aktor sa hamong ito ng kanyang fans.
Maraming Twitter users naman ang natawa sa sagot ng aktor. Ayon sa kanila, ambisyosa ang fan at marahil ay hindi nito inakala na mapapansin ni Paulo ang kanyang tweet.

Sa kabilang banda, nitong June 17 lamang nang ipalabas sa streaming platform na Netflix ang movie na ‘Fan Girl.’ Pinagbibidahan ito ni Paulo Avelino at ng rising actress na si Charlie Dizon. Sa unang araw pa lang ay maraming fans na ang nanood sa pelikulang ito, na matagal rin nilang inabangang maging available sa Netflix.
Dahil sa success ng kanilang film na ‘Fan Girl,’ muling magsasama si Charlie at Paulo sa isang upcoming project. Sa kanyang official Instagram page, ibinahagi ni Charlie na magkakaroon sila ng reunion project ni Paulo, ngunit hindi na muna siya nagbahagi ng iba pang detalye upang manatiling suspense ang kanilang new project.

Read More: Ganito na Pala Kataas ang Nakakalulang Net Worth ni ‘Yaya Dub’ AKA Maine Mendoza!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
The post “Anakan mo ko”- Paulo Avelino, May Prangkang Sagot sa Bastos na Fan sa Twitter! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments