Kadalasan, selos ang sumisira sa maraming relasyon. Kahit pa gaano kayo katagal na magkasama, kung wala kayong tiwala sa isa’t-isa ay madali lamang mabubuwag ang inyong pagsasama. May mga pagkakataon rin na maaaring humantong sa pananakit ang selos, gaya na lamang ng naging kinahinatnan ng mag-asawang ito.
Hindi akalain ng mister na ito na hahantong sa isang malagim na krimen ang simpleng away mag-asawa nila. Isang misis ang nagdilim ang paningin matapos madiskubre ang isang larawan sa cellphone ng kanyang asawa! Sa picture na ito, makikitang mayroong kasamang babae ang mister niya.

Read More: Vice Ganda, Inaming Tuluyang Niyang Iniiwasan ang mga Bagay na ito Dahil Kay Ion Perez
Inakala ng misis na ibang babae ang kasama nito, kaya naman agad niyang kinompronta ang kanyang mister. Hindi nagtagal ay mas lalo pang napuno ng pagseselos ang misis, hanggang sa kumuha na ito ng kutsilyo at sinaksak ang kanyang asawa! Mabuti na lamang at narinig sila ng mga kapitbahay na agad tumawag ng pulis.
Ngunit ang masaklap pa dito, hindi pala ibang babae ang kasama ni mister, kundi ang misis niya! Ayon sa mister, lumang larawan nila ito kung saan mas bata pa silang dalawa. Ipina-digitize niya ito upang mailagay sa kanyang cellphone, at mukhang hindi nakilala ni misis ang kanyang dating itsura!

Gayunpaman, inaresto pa rin ng mga otoridad ang misis dahil sa ginawang pananaksak sa kanyang asawa. Pinangalanan ang babae bilang si Leonora N, samantalang Juan N naman ang ibinigay na pangalan ng mister. Naganap ang kakaibang insidenteng ito sa Sonora, Mexico.
Sa kabilang banda, agad namang nag-viral ang mugshot photo ng misis sa social media. Maraming netizens rin ang nagkomento na ‘red flag’ ang masyadong pagseselos ni misis, at baka humantong pa ito sa mas malalang krimen kung hindi sila naabutan ng mga pulis.

Read More: Tony Conjuangco, Viral Matapos Aminin Ang Bagay na ito Tungkol sa Asawang si Gretchen Barretto!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
The post Misis, Sinaksak ang Mister Nang Makitang May Kasamang Babae, Ngunit Labis na Nagsisi Nang Malaman Kung Sino Ito! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments