Karamihan sa atin ay pamilyar sa istorya ni Jonah sa Bibliya, na naka-survive ng tatlong araw sa loob ng isang balyena. Ngunit alam niyo ba na maaari pala itong mangyari sa totoong buhay? Kamakailan lang, isang lobster diver ang nagkaroon ng nakakakilabot na karanasan matapos siyang malunok ng isang balyena!
Si Michael Packard ay isang veteran lobster diver mula sa Provincetown, New England. Sakay sa kanyang vessel na “Ja’n J,” nag-ready na si Michael upang manghuli ng mga lobsters. Ngunit nang nasa sampung metro na ang lalim ng kanyang dive, bigla na lamang siyang nagulat nang lumitaw ang isang malaking humpback whale.

Read More: Mga Magulang, Labis ang Hinagpis Matapos Ipanganak ng Walang Mata ang Kanilang Anak
Dahil sa bilis ng pangyayari ay wala ng oras para makapag-react si Michael. Nagulat na lamang siya nang biglang mandilim ang kanyang paligid matapos siyang malunok ng balyena.
“All of a sudden, I felt this huge shove and the next thing I knew, it was completely black. I could sense I was moving, and I could feel the whale squeezing with the muscles in his mouth,” pahayag ni Michael sa kanyang interview matapos itong ma-rescue.
Noong una, aminado si Michael na inisip niyang hindi na siya makakalabas mula sa bibig ng balyena. Noong mga panahong iyon, ang tangi niya lamang daw naisip ay ang kanyang mga anak. Ngunit hindi siya pinanghinaan ng loob at gumalaw siya ng gumalaw.

“I was completely inside; it was completely black. I thought to myself, ‘there’s no way I’m getting out of here. I’m done, I’m dead.’ All I could think of was my boys — they’re 12 and 15 years old.”
Ilang minuto pa ang nakalipas at naramdaman niyang tila umaahon ang balyena. Ilang saglit pa at inilabas siya nito, hanggang sa nakita na ni Michael ang liwanag. Mukhang hindi raw nagustuhan ng balyena ang paggalaw niya.
Sa ngayon ay nagpapagaling si Michael sa ospital. Labis labis naman ang pasasalamat niya dahil balyena at hindi isang great white shark ang nakalunok sa kanya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Diver, Ibinahagi ang Nakakakilabot na Karanasan Matapos Malunok ng Isang Malaking Balyena! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments