Nang nagkaroon ng pandemic ay mas naging patok ang mga pagkain na hinahatid na lamang ng mga nagtatrabaho sa mga delivery applications, gaya ng FoodPanda at GrabFood. Subalit, hindi lahat ng tao ay nakaranas na maenjoy ang ganitong mga pagkain, dahil sa hirap ng buhay at kawalan ng kakayahang mabayaran ang malaking halaga ng mga bilihin dito.

Sa Malaysia, isang order ang natanggao ni Faiz Rosman upang kaniyang ideliver. Maayos niya naman itong naihatid, ngunit nagulat si Faiz nang makita niya kung sino ang umorder ng pizza na kaniyang dala. Isa itong bata at ang tanging pera lamang nito pambayad ay mga barya na nakalagay sa isang supot.
Ang karamihan sa mga barya na dala ng bata ay maliliit lamang ang halaga kaya’t nagalinlangan si Faiz. May kamahalan ang pizza na inorder ng bata, na umabot ny RM28.5 o tinatayang tatlong-daan at tatlumpung-walong piso (P338).

Dahil sa tingin ni Faiz ay hindi aabot ang pera ng bata, binilinan niya itong bilangin muna ang kaniyang baryang hawak at imessage siya kapag ito ay nabilang na niya. Matapos bilangin ng bata ang kaniyang ipon ay minessage niya nga si Faiz, at doon niya nalaman na RM18 lamang ang pera nito o tinatayang dalawang-daan, labing-tatlong piso at pitumpu’t-limang sentimo (P213.75) lamang ang inabot ng barya ng bata.

Sinabihan ito ni Faiz na kulang ang kaniyang pera ngunit nagmakaawa ang bata dito. Tinanong ni Faiz ang bata kung bakit ayaw nitong manghingi sa kaniyang mga magulang, at nakaramdam naman ng awa si Faiz sa sinabi sa kaniya ng bata.
“I was scared to tell my father. I just wanted to try the pizza for the first time.” Nang mabasa iyon ni Faiz ay napagpasiyahan niyang ilibre na lamang ang bata ng pizza dahil ngayon lamang ito makakakain ng pizza, sa buong buhay niya.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Batang Umorder Ng Pizza Ngunit Kulang Ang Pera, Hindi Na Pinabayaran Matapos Malaman Ng Tindero Ang Istorya Niya appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments