Komedyanteng at TV Host, Ginulat Ang Publiko Matapos Mamaaaalam Sa Edad Na 61

Hindi lamang ang pamilya ng komedyanteng si Carmelito “Tolites” Reyes o mas kilala sa kanyang showbiz screen name na Shalala nagluluksa sa kaniyang biglaang pagka matay sa edad na 61, kung hindi ang buong industriya ng showbiz.

Ang kapatid ni Shalala na si Anthony Reyes ang nagkumpirma ng napaka lungkot na balita noong Miyerkules ng umaga, June 23.

Pulmonary tuberculosis ang ikinamatay ni Shalala.

Ayon sa kapatid ng performer, “Na-confine po siya sa National Kidney Institute noong isang linggo. Pero noong lumabas siya, parang mahina pa rin.

“Pero afterwards, nakitaan siya ng progress, gumaganda ang kundisyon niya.

“Noong Tuesday, June 22, itinakbo namin siya sa Fe del Mundo Medical Center.

“Ni-revive siya kahapon, nahabol naman hanggang kagabi, pero namatay na po siya kanina.”

Dagdag pa niya, “Nawalan po kami ng pakpak.”

Sa ngayon ay inaayos pa ang funeral details ni Shalala kung kaya naman hindi pa makumpirma ni Anthony ang mga detalye sa libing ng aktor.

January 20, 1960 noong isinilang si Shalala, at simula noong nakapag umpisang mag hanap buhay ay isa na siya sa mga bread winner ng kanilang pamilya.

Bago pa man makilala ang komedyante sa kaniyang talento sa pag papatawa ay nagtrabaho muna siya bilang advertising and promotions coordinator ng Viva Films, Millennium Films, at Maverick Films.

Samantala, ang yumaong TV host at star builder na si German “Kuya Germs” Moreno ang nagbigay ng pagkakataon kay Shalala na maipakita ang kaniyang galing sa telebisyon at radyo.

Si Kuya Germs din ang mismong nagbigay sa kaniya ng screen name na Shalala, na tiyak na maalala ng kahit sino man sa industriya magpakailanman.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Komedyanteng at TV Host, Ginulat Ang Publiko Matapos Mamaaaalam Sa Edad Na 61 appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments