Para sa karamihan, ang mga kasambahay on katulong ay mga taong sinuswelduhan lamang upang maglinis, maglaba, magluto o pagsilbihan ang kanilang amo. Swertihan na lang rin kung makakahanap ang mha ito ng among ituturing sila na tila ba ay kapantay.
Ngunit, kamakailan lamang ay isiniwalat ng kasambahay ni Pia Guanio kung gaano kabuti ang kaniyang amo. Tinuturing sila ng aktres at Eat Bulaga host bilang mga anghel ng tahanan na tumutulong gumabay sa kanilang buong pamilya.


“Isang napakabait na amo”, paglalarawan ni Rodalyn Oliveros sa kaniyang amo, nang siya ay sumali sa isang segment ng Eat Bulaga na pinamagatang ‘Maid in the Philippines’.
Ibinahagi ni Rodalyn ang kaniyang karanasan sa kaniyang butihing amo. Kinwento niya ang pageenroll sa kaniya ni Pia sa isang cooking class upang mahasa ang kaniyang kakayahan. Napansin kasi ni Pia na maalam at magaling si Rodalyn sa ganitong larangan, kaya naman napagpasiyahan ng Eat Bulaga host na ienroll ito sa isang technical course. At nang matanggap ni Rodalyn ang kaniyang certificate ay naging chief cook na siya sa pamamahay ng mag-asawang Pia Guanio at Steve Mago.
Apat na taon na simula nang maging tagapag-alaga ni Brooklyn, bunsong anak nina Pia at Steve, si Rodalyn. Matapos ang ilang buwan ay naging all around helper na si Rodalyn sa pamamahay ng nasabing Eat Bulaga host, at simula noon ay mas napalapit na siya sa pamilya dahil maging sa mga pagpunta ng mga ito sa iba’t-ibang bansa ay sinasama nila si Rodalyn upang makapag-bakasyon rin.
Dahil sa pahayag ni Rodalyn sa segment ng Eat Bulaga na Maid in the Philippines ay marami ang naantig at humanga sa kabaitang taglay ni Pia Guanio. Pinuri siya ng mga kasamahan sa trabaho at ng mga manonood dahil bilang lamang ang mga among katulad ng Eat Bulag host na tagos sa puso ang pagmamalasakit sa kanilang mga kasambahay.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post Kilalanin Ang Kasambahay Ni Pia Guanio Na Kanya Pang Pinag-Aral At Sinasama Abroad! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments