Kamakailan lamang nang iginunita ang araw ng mga haligi ng tahanan. Marami sa mga ama ang sinurpresa ng kanilang mga anak, at isa na rito si John Lloyd Cruz.
Si John Lloyd Espidol Cruz, o mas kilala sa tawag na John Lloyd at Lloydie ay matatandaang nagkaroon ng anak sa artista at model na si Ellen Adarna, na pinangalanang Elias Modesto.
Hindi malinaw kung ano ba talaga ang nangyari sa pagitan ng dalawa, kung bakit nauwi ito sa hiwalayan, ngunit sa kasalukuyan, tanging si Elias Modesto na lamang ang nag-uugnay sa dating magkasintahan.

Noong pagdiriwang ng father’s day, masayang ibinahagi ni John Lloyd sa kaniyang Instagram account ang kanilang larawan ng anak, at kita sa mga ito ang pagmamahal ng isang ama para sa kaniyang unico hijo.
Marami ring mga larawan at video ang kumalat na nagpapakita ng masayang bakasyon ng mag-ama sa boracay. Naging emosyonal ang mga tagpo nang yakaping ng mahigpit ni John Lloyd ang kaniyang anak, wari’y pinapakita nito kung gaano siya nangungulila para kay Elias.

Nakita rin sa video ang isang tagpo kung saan akala ni John Lloyd at mag-aapir sila ng kaniyang anak, ngunit imbis na apir ay halik ang ibinigay ni Elias sa kaniya.
Marami ang naantig at naluha dahil sa mga tagpong iyon sa buhay ng mag-ama, lalo na’t nasaksihan ng karamihan ang mga pangyayari sa buhay ng mga ito.

Hindi rin naman itinatanggi ni John Lloyd ang hirap ng pagiging isang magulang. Inamin niya na masarap sa pakiramdam ang pagiging magulang, ngunit hindi madali ang pagpapalaki ng isang bata.
Dahil sa malaking pagbabago sa disposisyon ni John Lloyd sa kaniyang buhay magmula nang isinilang si Elias, marami ang nagpapasalamat sa batang ito dahil sa tingin ng mga tagahanga at tagasuporta ni John Lloyd ay ito ang dahilan ng pagbabalik ng aktor sa showbiz.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
The post John Lloyd Cruz, Hindi Napigilang Maging Emosyonal Matapos Gawin Ito Ng Anak Niya Sa Kaniya appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments