‘Ito lang ba ang bagsak ko? Maghugas ng plato’ Rufa Mae, Hindi Napigilang Maiyak Sa Buhay Niya Sa Amerika

Kung inaakala ng kaniyang mga fans na maayos at napaka rangya ng buhay ng sexy actress at komedyanteng si Rufa Mae Quinto matapos siyang mastranded sa America kasama ang kaniyang anak na si Alexandria noong 2020, ay nagkakali sila.

Sa interview ng aktres para sa isang TV show ng GMA network na Tunay Na Buhay, isiniwalat ni Rufa Mae na hindi naging madali para sa kaniyang isang dayuhan sa bansa nag mag adjust sa kultura at buhay doon.

Dagdag pa niya, ni wala sa hinagap niyang aabutin siya ng ganoon katagal sa U.S.

Ang tunay na balak lamang kasi ng mag-ina ay dalawin ang kanilang padre de pamilya, si Trevor Magallanes na naka base sa states upang ipag diwang ang Valentine’s Day.

Ngunit dahil nagkaroon ng pandemya ay napilitan ang pamilya na manatili muna doon upang masigurado na ligtas silang lahat.

Ayon kay Rufa Mae, dahil biglaan ang nangyari, kinailangan pa rin niyang mag trabaho upang masigurado na sapat na maibibigay ang pangangailangan sa bahay.

Sinabi rin niyang miss na miss na niya ang buhay sa Pilipinas, lalo na ang kaniyag career doon.

“Oo, miss na miss ko talaga, grabe.”

Nag kwento din siya na hindi niya sukat akalaing magiging taga hugas siya ng pinggan doon.

“Tuwing nakikita ko yung mga artista, sasabihin ko sa sarili ko, tuwing naghuhugas ako ng plato, ‘after everything I’ve done, sumikat ako sa Philippines, ito lang ba ang bagsak ko? Maghugas ng plato? Hirap na hirap ako nu’ng una.
Umiiyak-iyak pa ako. End of the world na para sa akin nu’ng una ko dito,” saad ng aktres.

Ngunit sa kabila ng kaniyang pagdurusa at mga sakripisyo ay natuto rin sa wakas ang aktres na mamuhay sa abroad.

“Sabi ko mas mabuti na rin ‘to dahil nakikita ng anak ko yung tunay na buhay,” ani Rufa.

“Ako lahat dito kaya wala ka na talagang time para sa kung anu-ano. Kung hindi importante o trabaho, hindi na ako dapat lumabas kasi mag-fall down yung bahay,” dagdag pa niya.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post ‘Ito lang ba ang bagsak ko? Maghugas ng plato’ Rufa Mae, Hindi Napigilang Maiyak Sa Buhay Niya Sa Amerika appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments