2-Taong Gulang na Bata na Lumabas Lang ng Bahay, Nasawi Matapos Mahulog sa Balon, Paano ito Nangyari?

Isang dalawang taong gulang na bata ang binawian ng buhay matapos mahulog sa isang malalim na balon sa Mariveles, Bataan. Matapos ang ilang oras na rescue operation, wala ng buhay nang maiahon sa balon ang biktima. Ayon sa GMA News, nalaglag sa balon ang bata matapos nitong sundan ang ama na papasok sa trabaho.

Naapakan raw ng bata ang balon na matagal ng hindi ginagamit. Dahil marupok na ang plywood sa ibabaw nito, bumigay ito at nalaglag ang bata. Tinatayang 20 feet ang lalim ng balon at mayroong tubig na nasa 4 feet ang lalim.

Read More: Nanay na Nagising sa Operasyon, Laking Gulat Matapos Makita ang Mukha ng Kanyang Sanggol

Ayon sa report ng GMA News, sinubukan ng tatay ng bata na iligtas ito. Sumisid rin ito sa balon, ngunit sa kasamaang palad ay hindi nito kinaya ang masangsang na amoy ng kemikal sa ilalim kaya’t nawalan ito ng malay. Naunang mailigtas ng mga barangay rescuers ang ama bago ang bata.

Ngunit dahil sa lalim ng balon at sa liit ng bata, nahirapan ang mga rescuers na iahon ito. Sa kasamaang palad, nalubog na ang bata sa tubig at hindi na ito muling lumutang pa. Binawian ng buhay ang 2-anyos na biktima bago pa man ito mailigtas ng mga rescuers.

Upang maretrieve ang katawan ng bata, tumulong rin ang mga rescuers ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa operasyon. Katuwang rin nila at mga bumbero at rescue team ng Freeport Area of Bataan. Sa huli ay nagtagumpay rin sila at nakuha ang bata, ngunit hindi na ito narevive pa.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang nagpahatid ng kanilang pakikiramay sa pamilya. Sa ngayon ay iniimbestigahan pa kung may dapat bang managot sa malagim na trahedyang ito.

Read More: Pinatigil ang Eroplano Matapos Makita ang Itinatago ng Flight Attendant na Ito sa Kanyang Suitcase!

Panoorin ang buong video dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinion o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post 2-Taong Gulang na Bata na Lumabas Lang ng Bahay, Nasawi Matapos Mahulog sa Balon, Paano ito Nangyari? appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments