Pagdating sa usapang pag-ibig, hindi natin alam kung kailan o kanino tayo mapapamahal. Ang pagmamahal ay wala sa itsura o estado sa buhay, ito ay nakadepende sa iyong hangarin at pagkatao kung mabuti man o hindi.
Narito ang istorya ng isang grab driver na pinahanga ang mga netizens ng makapangasawa ito ng isang magandang babae.
Ang pagiging grab driver ay isang maayos at marangal na trabaho. Sobrang laki ng kahalagahan ng mga grab drivers lalo na para sa ating mga Pilipino sa panahon ng pandemya, na kung saan ay karamihan sa atin ay takot lumabas upang makaiwas sa sakit.

Balik sa usapin, hindi lamang sa pagiging magiting ng grab driver na ito kung bakit siya kinagiliwan ng mga netizens. Ito ay nag-ugat nang ibahagi niya ang litrato nilang mag-asawa sa social media.
Ayon sa nakararami, sinabing ang grab driver ay naka jackpot umano dahil sa napaka ganda nitong asawa. Dahil rin sa litratong ibinahagi nito ay nagsimula ang mga tukso sa nasabing driver ngunit, sa kabila ng mga tuksong nakukuha mula sa ibang tao ay pinatunayan niya na hindi sa itsura binabase ang pag-ibig

Sabi pa nito.
“Shout out sa mga nagsasabi na grab driver lang daw ako. Tiwala lang makaka chamba din kayo.
‘Sa mga nagsasabi naman na bakla daw asawa ko, may isang daughter na po kami god bless”
Sa kabila ng pagpapatunay nito ay marami pa rin ang hindi naniniwala. Meron rin naman naniniwala at sumusuporta sa kanilang relasyon.

Dagdag pa ng iba, aanhin mo ang gwapong lalaki kung tamad at manloloko rin naman.
Ang pag-ibig ay hindi hinahanap, kusa itong dumarating dahl hindi natin alam kung sino nga ba ang nakalaan para sa iyo.
Pagdating sa usapang pag-ibig, ang mata ay bulag at ang tenga ay bingi. Kapag puso ang umiral at naghari, ang lahat ng tao ay may karapatang umibig at ibigin.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post Isang Grab Driver, usap-usapan ng netizens dahil sa kaniyang mala artistahing asawa! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments