Dr. Willie Ong, Nagbabala sa Pag-Inom ng Bottled Water Dahil sa Masamang Epekto Nito sa Ating Kalusugan

Talagang convenient ang paggamit ng bottled water. Kahit saan ay maari mo itong madala, at mura pa ito. Dahil dito, talagang nakakapanghinayang na basta basta na lang itapon ang plastic bottle. Kaya naman maraming tao ang hinuhugasan lamang at ginagamit pa ito ulit. Ngunit alam niyo ba na may epekto pala ito sa ating katawan?

Nagbahagi ng kaalaman si Dr. Willie Ong tungkol sa epekto kapag ginagamit ulit ang plastic bottle. Ayon kay Dr. Ong, maaaring magkaroon ng di-magandang epekto sa katawan ang pag-inom ng tubig mula sa lumang bottled water. Ipinaliwanag niya rin kung paano ito nangyayari.

Read More: Matapos Magpa-Ultrasound, Hindi Makapaniwala sa ang Babaeng na Ito sa Nakita sa Loob ng Kanyang Tiyan!

Malinis naman daw ang tubig sa bottled water, ngunit nagsisimula ang problema kapag paulit-ulit na itong ginagamit. Ayon kay Dr. Ong, kapag paulit-ulit itong ginagamit ay maaaring magkaroon ng yupi ang bote.

Dahil dito, maaaring mahaluan ng chemical mula sa plastic ang tubig na iniinom mo.

“Ang problema, pag inulit-ulit mo yung bottled water magkakayupi-yupi na siya, dahil dito yung plastic nito pwedeng pumunta sa tubig. Yung masamang chemical ng plastic pwedeng pumunta sa tubig at pag nainom natin yung bottled water, may masamang epekto sa endocrine system natin ito.”

Dagdag pa niya, kapag naapektuhan ang iyong endocrine system ay maaari itong makapagdulot ng masamang epekto sa iyong kalusugan.

Sa mga kababaihan, maaari silang makaranas ng maagang buwanang dalaw. Samantalang ang mga kalalakihan ay maaaring magulo ang hormones.

Bukod pa dito, wag rin daw hahayaang mainitan ng araw ang plastic bottle, dahil maaaring matunaw ang chemicals sa plastic. Kaya naman ang payo ni Dr. Ong ay wag paulit-ulit na gamitin ang bottled water, at kung may pera ay mas magandang gumamit ng tumbler na matigas ang plastic.

Read Also: “Mars, pautang”- Kumare na Demanding, Napahiya Matapos i-Realtalk ng Inuutangan Niya!

Panoorin ang buong video dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Dr. Willie Ong, Nagbabala sa Pag-Inom ng Bottled Water Dahil sa Masamang Epekto Nito sa Ating Kalusugan appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments