Netizens, Nagulat Matapos Itong Gawin ng mga Pulis sa Isang Pulubi sa Kalsada!

Sa panahon ngayon, may mga taong nawawalan ng tiwala sa mga alagad ng batas dahil sa katiwalian ng ibang opisyales. Ngunit sa kabila nito, maraming pulis pa rin ang mabuti ang kalooban at handang maglingkod para sa bayan. Kabilang na sa kanila ang mga pulis na ito, na kamakailan lang ay nag-viral sa social media dahil sa kabaitan nila!

Isang concerned citizen ang nag-post ng ginawang kabutihan ng dalawang pulis na ito. Ayon sa viral na post, dalawang unipormadong pulis na nasa checkpoint ang nakapansin sa isang Nigerian national na tila ba pagala-gala sa lansangan. Nang lapitan nila ito, saka nila naintindihan ang sitwasyon nito.

Read More: Matapos Magpa-Ultrasound, Hindi Makapaniwala sa ang Babaeng na Ito sa Nakita sa Loob ng Kanyang Tiyan!

“Guys, pasikatin natin ang mga pulis na ito! Habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis na ito, may lumapit sa kanilang isang Nigerian national, naubusan daw siya ng pera pamasahe papuntang United Church of Christ sa Quezon City, wala na daw siyang ibang malapitan,” pahayag ng concerned citizen na nag-post nito sa Facebook.

Matapos kausapin ang lalaki ay napatunayan raw ng mga pulis na talagang gipit at nangangailangan ang Nigerian national. Kita rin nila ang pagod nito dahil sa mahabang paglalakad. Kaya naman hindi na silang nagdalawang isip at agad silang umaksyon upang maibsan ang paghihirap nito!

Naawa ang mga pulis at napagdesisyunan nilang tulungan ang Nigerian national na makapunta sa paroroonan nito. Ngunit bago iyon, hindi nila hinayaang umalis ito ng hindi kumakain. Nag-ambagan ang mga pulis at mabilihan ng pagkain sa karinderya at mabigyan ng pamasahe ang lalaki.

“Naawa naman ang mga pulis na ito dahil gutom na gutom na ang Nigerian. Pinakain muna nila ito at nag-ambag ambag ang mga pulis ng pera para kay Kuya para makauwi at makapunta sa pupuntahan. Maraming salamat mga sir, saludo kami sa inyo! God bless you!”

Read Also: “Mars, pautang”- Kumare na Demanding, Napahiya Matapos i-Realtalk ng Inuutangan Niya!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Netizens, Nagulat Matapos Itong Gawin ng mga Pulis sa Isang Pulubi sa Kalsada! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments