Para sa isang nanay, ang pagbubuntis na marahil ang isa sa mga pinaka nakakaexcite na pangyayari sa kanyang buhay. Sa loob ng siyam na buwan, mararamdaman mo ang buhay na nabubuo sa iyong sinapupunan. Tuwing ultrasound, talaga namang nakaka-excite makita ang iyong anak. Ngunit nagulat ang buntis na ito matapos makita ang ginagawa ng kanyang kambal!
Si Carissa Gill ay buntis ng kambal, kaya naman excited siyang magpa-ultrasound upang makita ang kalagayan ng kanyang mga anak.
Noong siya’y nasa ika-24 weeks ng kanyang pagbubuntis, hindi siya makapaniwala sa nakita niyang ginagawa ng kanyang dalawang anak sa ultrasound.

Kitang-kita sa sonogram ang paghalik ng isang kambal sa kanyang kapatid. Kahit hindi pa sila ipinapanganak, malapit na sa isa’t-isa ang kambal. Ayon kay Carissa, maging ang mga doktor na tumitingin sa kanya noon ay nagulat dahil bihira lamang ang ganitong pangyayari.
“In the 2-D ultrasound that I see in the doctor’s office, they’re never that close together — just seeing them face to face, it was a big shock. You can see their mouths open and closing. It started when Bella was kissing Callie’s cheek. Two weeks before that they were kicking each other.”


Dalawang identical twins na babae ang ipinagbubuntis ni Carissa. Ayon sa kanya, paglabas ng dalawa ay papangalanan niya itong Isabella at Callie. Maging ang soon-to-be-dad na si Randy Good ay tuwang-tuwa sa ultrasound ng kanyang kambal, at ibinahagi niya na ‘priceless’ ito para sa kanya.
“Seeing that ultrasound like that was priceless to me. I don’t know if they’re going to love each other as much as they do when they are in the womb, but we can use it as blackmail later on,” pabirong pahayag nito.
Read More: 70-Anyos na Lola, Ibinuking ang Simpleng Sikreto Niya Upang Mapanatili ang Kanyang Fit na Katawan

Silipin ang iba pang detalye dito:
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Matapos Magpa-Ultrasound, Hindi Makapaniwala sa ang Babaeng na Ito sa Nakita sa Loob ng Kanyang Tiyan! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments