Naranasan mo na rin bang mautangan ng iyong kaibigan? Kung oo, marahil ay tuwing may magme-message sa iyo ng “Mars, kamusta?” kinakabahan ka na! Sabi nga nila, makikilala mo ang iyong tunay na kaibigan sa gitna ng kagipitan. Ngunit hindi maipagkakailang mayroong mga tao na sinasamantala ang kabutihan ng kanilang kaibigan.
Gaya na lamang ng mag-kumare na ito. Talagang masakit isipin na dahil lamang sa pera ay nasira ang kanilang pagkakaibigan. Ibinahagi ng netizen na si Franchezca Khyl ang conversation nila ng kanyang kumare, kung saan lumabas ang tunay na ugali nito dahil lamang sa utang!

Ayon kay Franchezca, nag-message sa kanya ang kumare niyang ito na nangungutang ng P5,00 upang makabili ng cellphone para sa kanyang anak. Sa umpisa pa lang, mapapansin na ang demanding na tono ng kumare. Mahahalatang nagmamadali pa ito sa sagot ni Franchezca:
“Mars pautang nga ako 5k lang, ipapacheck up ko lang inaanak mo saka bili ko lang siya cellphone niya.” Nang hindi agad makapag-reply si Franchezca, muli itong nagchat at nagpumilit na dadaanan na lamang ang pera sa bahay nila: “Oy daanan ko diyan mamaya nga bago mag 12. 5k lang wag u na tubuan babalik ko din.”


Sumagot naman si Franchezca na kailangan niyang unahin ang pangangailangan ng kanyang anak, ngunit bigla na lamang nagalit ang kumare niya. Sinabihan pa nito na madamot at mayabang si Franchezca dahil lamang hindi siya nito napahiram ng pera.
“Sabihin mo wala ka lang pera kaya ayaw mo magpahiram, kunwari ka pa puro ka yabang. Wag mo ko ma mare mare, napilitan lang ako na kunin ka ninang dahil kala ko pag wala ako pera ikaw magbibigay ng gusto ng inaanak mo,” dagdag pa nito.
Sa kabilang banda, agad namang nag-viral ang usapan nila sa social media. Maraming netizens ang hindi mapigilang mainis dahil sa demanding attitude ng kumare na ito. Ayon pa kay Franchezca, matapos ang pangyayaring ito ay friendship over na sila.

Read More: 70-Anyos na Lola, Ibinuking ang Simpleng Sikreto Niya Upang Mapanatili ang Kanyang Fit na Katawan
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post “Mars, pautang”- Kumare na Demanding, Napahiya Matapos i-Realtalk ng Inuutangan Niya! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments