4 na Delikadong Dahilan Kung Bakit Hindi Mo Dapat Ilagay sa Ref ang Itlog!

Tuwing namamalengke, paniguradong hindi mawawala ang itlog. Bukod sa murang halaga nito, maaari rin itong ihalo sa iba’t-ibang putahe. Kaya naman karamihan sa atin ay hindi nakakalimutan ang itlog tuwing namamalengke o naggo-grocery.

Ngunit alam mo ba kung paano patagalin ang itlog? Karamihan ay inilalagay ang itlog sa refrigerator, dahil naniniwala silang mas magtatagal ito. Ngunit ayon sa mga eksperto, kabaliktaran pala ito!

Taliwas sa inakala ng karamihan, hindi mabuti ang paglalagay ng itlog sa refrigerator. Maaari rin itong makaapekto sa iyong niluluto! Narito ang mga maaring mangyari kapag inilagay mo sa loob ng iyong refrigerator ang itlog.

Read More: Lalaking Na-Bully sa High School Dahil sa Kanyang Timbang, Pinahanga ang mga Bully Niya sa Bago Niyang Itsura Ngayon!

1. Hindi mabilis mabulok ang itlog

Maraming nag-aakala na mabilis mabulok ang itlog sa room temperature, ngunit hindi ito totoo. Sa katunayan, kapag na-freeze sa sobrang lamig na temperatura ang itlog, maaaring maapektuhan ang lasa nito at maaari itong umasim.

2. Mas angkop para sa baking

Mahilig ka rin bang mag-bake? Kung oo, iwasan mong ilagay sa loob ng ref ang mga itlog na ginagamit mo. Karamihan sa mga baking recipe ay gumagamit ng itlog na nasa room temperature lamang, dahil mas madali itong ma-whip kumpara sa mga itlog na nakalagay sa loob ng ref.

3. Maaaring dumami ang bacteria

Kapag nalamigan ang itlog sa ref at inilabas mo ito, maaaring magkaroon ng condensation sa egg shell nito. Dahil dito, maaaring bumilis ang bacteria growth at ma-contaminate ang itlog.

4. Maaari lamang ilagay sa ref kung sa tingin mo ay may salmonella ito

Kung sa tingin mo ay kontaminado ng salmonella ang itlog, maaari mo itong ilagay sa ref. Ayon sa mga eksperto, ang salmonella bacteria ay mamamatay sa malamig na temperatura.

Read More: 70-Anyos na Lola, Ibinuking ang Simpleng Sikreto Niya Upang Mapanatili ang Kanyang Fit na Katawan

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post 4 na Delikadong Dahilan Kung Bakit Hindi Mo Dapat Ilagay sa Ref ang Itlog! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments