Ilang Taong Sinuot ng Babaeng Ito ang Regalong Kwintas, Ngunit May Nakatagong Sikreto Pala Ito!

Ano ang pinakamagandang regalo na natanggap mo? Talagang masarap sa pakiramdam ang makatanggap ng regalo, ngunit mas nakakataba ng puso ang magbigay nito sa iba. Kaya naman nang magbigay ang lalaking ito ng regalo sa kanyang girlfriend, siya pa ang naging excited.

Hindi naman akalain ng girlfriend niya na kakaiba pala ang regalong ito. Ayon sa boyfriend na si Terry, matagal na siyang naghahanap ng espesyal na regalo para sa kanyang girlfriend na si Anna.

Nang i-celebrate nila ang kanilang one year anniversary, binigyan ni Terry si Anna ng isang napakagandang kwintas na gawa sa Tasmanian wood.

Read More: Nanay na Nagising sa Operasyon, Laking Gulat Matapos Makita ang Mukha ng Kanyang Sanggol

Labis ang tuwa ni Anna dahil sa unique na regalong ito, kaya naman araw-araw ay suot niya ito. Ngunit hindi niya alam na may tinatago pala itong sikreto sa loob! Ayon kay Terry, kasama iyon sa plano niya, at ibubuking niya lamang ito sa kanyang girlfriend sa tamang panahon.

“I always loved the idea of ​​giving someone a gift, where the person did not know its true value until years later. There were some occasions where I was really worried; at one point, I thought she was going to trade it with a blacksmith at a market but luckily I didn’t need to crash tackle her.”

At nang dumating na ang tamang oras, napagdesisyunan ni Terry na buksan na ito. Habang nasa Smoo Cave sila sa Scotland, binuksan ni Terry ang kwintas at isang napakagandang engagement ring ang nasa loob. Labis ang gulat ni Anna, dahil ito na pala ang surprise proposal ng kanyang boyfriend!

“It had a really small amount of glue holding the two parts together, so I loosened it with a knife quickly before we took the picture. She stood there with this completely confused and dumbfounded look on her face, and when she finally worked out what had just happened, she yelled, ‘Yes!’ and pounced on me,” pahayag ni Terry.

Read More: Pinatigil ang Eroplano Matapos Makita ang Itinatago ng Flight Attendant na Ito sa Kanyang Suitcase!

Panoorin ang buong proposal dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook.

The post Ilang Taong Sinuot ng Babaeng Ito ang Regalong Kwintas, Ngunit May Nakatagong Sikreto Pala Ito! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments