Viral na namang muli ang aktres na si Kim Chiu matapos niyang sabihina ang kaniyang “bagong batas” sa kaniyang bagong vlog na may pinamagatang “Truth or Drink Challenge.”

Dito ay kailangan niyang uminom ng alak sa tuwing pipiliin niyang hindi sumagot sa mga personal na itatanong sa kaniya.

Unang tanong ay kung ano sa tingin niya ang pinaka malalang nagawa niya sa trabaho, ngunit paliwanag ng aktres, “I don’t think I do worst things.”

Sunod naman ay nagkwento siya ukol sa isang bagay na hindi niya malilimutan noong bata pa siya.

“Alam mo, ang pangalan ko kasi Kimberly Sue. Tapos ‘yung mga kaklase ko binu-bully nila ako na ang apelyido ko raw ay Uy at hindi Sue. Sue Uy.

“Sa Waray-Waray kasi ang Sue Uy ay suka. Hinahabol ako ng childhood memory ko,”

Sunod na tanong, Nagpautang ka na ba sa boyfriend or naging boyfriend mo?”

“No, wala pa. Pasalamat na lang sa Diyos at ang mga naging karelasyon ko ay may pera naman sila,” sagot ni Kim.

Tinanong din ang aktres kung sakaling lilipat siya ng network, at ang sagot niya, “hindi, syempre solid Kapamilya tayo. You know naman that Kapamilya is going through something. Together as one, we can do this together. One day, we’ll see the light after the dark.”

Sunod naman ay nagbahagi si ang Its Showtime host na mayroon siyang isang ex-boyfriend na hindi siya gustong kaibiganin pa.

Friends naman kami, friends kami, ayaw niya lang akong maging friend,”

At sa tanong naman kung nagkaroon na ba siya ng jowang “pangit”, agad na bumwelta si Kim, “Pangit, hindi ako nagjojowa ng pangit.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Kim Chiu, Umani Ng Sari-Saring Reaksyon Sa Netizens Matapos Sabihin Na Hindi Siya Nagjojowa Ng Pangit appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed