Halos walang paglagyan ang nag uumapaw na pasasalamat at tuwa ng DJ na si Nicole Hyala matapos milagrosong nalagpasan ng kaniyang anak na si Princess ang sakit na sumubok sa tatag ng kanilanng pamilya ngayong taon.
Ayon sa DJ, na diagnose ang anak ng meningoencephalitis, o inflammation sa brain at sa protective membranes nito.
Eto ang dahilan kung bakit naisugod siya sa ICU at na-comatose.
Sa isang vlog na inilabas nilang mag-asawang si Renly Tinana, sinabi ni Nicole na dahil sa health protocols ng pandemya ni hindi man lang nila nakasama ang anak sa mga oras na na confine ito dahil kailangan nilang umuwi.

“Ang dami nakakabit sa kanya tapos di siya gumigising. Nakatulala lang. Hindi kami kilala.
“Napakarami naming tanong. ‘Bakit si Princess?’ It was really painful to see her there.
“Pinakamasaklap, wala namang way para magbantay sa ICU. So that first night we transferred her to ICU, we left her.” aniya.
Ayon naman kay Renly, “Three weeks di namin nakikita. Tapos di pa kami kilala dahil di nga siya….
“Tapos siyempre, hindi naman sasabihin kung ano ang sitwasyon, kung okay lang ba talaga.

“Sasabihin lang, ‘Mommy, okay na po si Princess. Dumumi na po. Kumain na po.’ Pero hindi sinabi sa amin kung nakikipag-usap kasi talagang wala.”
Sa kabutihang palad, unti-unting bumuti ang lagay ni Princess.
Ngunit ang sumunod na pagsubok naman ay ang paglobo ng kanilang hospital bill na umabot sa 2.3 milliion.
Ngunit muli, panibagong milagro na naman ang nangyari matapos nilang malaman na nasalo pala sila ng kanilang health insurance.
“In-expect namin ang laki. Sabi sa amin [sa cashier], ‘Sir, ang ise-setlle niyo lang PHP39,000.

“Kulang na lang halikan mo lupa. ‘Lord, thank you. Kahit ang sakit-sakit ng nangyari sa amin, pinaramdam Mo sa amin na mahal Mo kami.’
“Inayos pa rin. Kasi di mo alam kung saan dadamputin ang PHP2.3M.
“Tapos may dumating na wheelchair bigay ng ninong. May dumating na pedia walker. Ang daming tulong.” ayon kay Renly.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
The post DJ Nicole Hyala, Buong Puso Ang Naging Emosyonal Para Sa Kaniyang Anak Matapos Itong Mangyari appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments