Arnell Ignacio, Ibinunyag Na Dahil Kay Aiko Melendez Ay Na-Ban Siya Sa GMA Network! Paano nga ba ito Nangyari?

Ang actor turned government official na si Arnell Ignacio ay may nakakagulantang na rebelasyon sa totoong dahilan kung bakit minsan siyang na-ban sa kaniyang dating home network, ang GMA-7.

Ayon sa kaniya, dahil ito sa kaniyang kaibigan na si Aiko Melendez.

At kung inaakala niyong ito ay dahil sa pag-aaaway, ay kabaliktaran pa.

Sa katunayan, nangyari ito dahil ipinagtanggol ni Arnell si Aiko on-air.

“A number of years ago, I got myself into a fix because of what I said on live TV with Aiko Melendez. After ng isang portion na nandun si Reese Witherspoon. Live nasabi ko kay Aiko, “Mas maganda ka naman diyan kay Reese noh!”

Ngunit hindi na raw matandaan ni Arnell kung nabanggit niya noon na mahaba ang baba ni Reese.

“Kadaldalan ko endorser pala siya nung bumili noong portion. Hahahaha!

“Ayun na-banned ako sa show na ‘yun, pero tawa nang tawa ‘yung mga host na Sina Joey (de Leon) at Manay Lolit (Solis),” say pa ni Arnell, na mukhang ang Startalk ang show na tinutukoy niya.

“But looking back my friend, I am glad I said that. From that day on, till today, I was never proven wrong!

“Nawala na ang ban. Nawala na ang show. Natapos na rin endorsement. Pero nandiyan ka pa rin na nanatiling maganda, at nagsasalita pa rin ako nang gusto kong sabihin, at naging tatak ko na ‘yan. Hahaha!” sambit ni Arnell.

Kung kaya naman hanggang ngayon ay nanatiling matatag ang pagkakaibigan ng dalawa.

“Awwwwww mahal kita. Hindi dahil sa papuri mo sa akin kundi dahil isa ka sa tunay na kaibigan. Na lagi ako pinapatawa at andyan ka lagi para sa akin. Love you.” Ayon kay Aiko.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!

The post Arnell Ignacio, Ibinunyag Na Dahil Kay Aiko Melendez Ay Na-Ban Siya Sa GMA Network! Paano nga ba ito Nangyari? appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments