Hindi biro ang pagiging magulang. Kapag naging magulang ka na, kailangan ay maging responsable at masikap ka sa pagpapalaki ng iyong anak. Marami ang kumakayod para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya. Sa kasamaang palad, hindi lahat ay mabuting magulang, at ang iba ay naaatim pang ipamigay o ibenta ang kanilang anak!
Sadyang mayroong mga pabaya na mas nais pang unahin ang kanilang sariling pangangailangan kaysa sa kanilang anak, at isa na sa kanila ang babaeng ito. Usap-usapan ngayon sa social media ang nanay na ito mula sa China. Hindi mapigilang magalit ng mga netizens matapos malaman ang ginawa niya sa kanyang sanggol na anak.
Arestado ng mga otoridad ang isang 20-anyos na ginang na ito mula sa Cixi City, Zheijang Province matapos ibenta ang kanyang anak sa halagang 45,000 yuan o mahigit P336,000.
Ayon sa mga reports, kasabwat rin niya ang tatay ng sanggol. Mabuti na lamang at agad na nai-report sa mga otoridad ang pangyayari at naaresto nila ang dalawa.
Ibinenta di umano ng nanay ang kanyang sanggol na anak upang makapagbayad siya ng utang, ayon sa report mula sa Guanghua Daily.
Matapos manganak, natadtad daw sila sa utang sa credit card, kaya naman mas minabuti niyang ibenta na lang ang bata. Matapos bayaran ang kanyang utang, bumili rin ng latest model ng cellphone ang babae.
Hindi rin daw magawang humingi ng tulong ng babae mula sa kanyang mga magulang dahil tinaboy siya nito nang mabuntis siya.
Ang masaklap pa dito, maging ang lalaking nakabuntis sa kanya ay walang trabaho at baon sa utang, kaya pumayag rin itong ibenta na lamang ang bata.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng mga magulang ng babae ang sanggol. Pinag-aaralan pa kung sasampahan ba ng kaso ang nanay at tatay dahil sa pagbebenta ng anak nila.
Read More: DJ Loonyo, Nagsumikap Upang Makapagpundar ng Bahay at Negosyo Para sa Kanyang Ina
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Walang Pusong Ina, Ibinenta ang Sanggol na Anak Para Makabili ng Bagong Cellphone! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments