Dahil Sa Pagsusumikap, Dating Q&A Contestant sa It’s Showtime, Nagawang Ipatayo Ang Kaniyang Pangarap Na Bahay

Matapos ang matagal na pagsusumikapa at pagtataguyod sa pamilya, ang dating Miss Q&A contestant na si Exur Pastor Ranoa, o Kim Dabaw sa tunay na buhay ay nagawang ipatayo ang kaniyang matagal nang pangarap na bahay.

Ayon sa kaniya, umabot ng pitong buwan ang reconsctruction ng kanilang tahanan na pinursigi niyang matapos para sa kaniyang ina.

Sa kaniyang Facebook post, inilahad niya ang kaniyang pagsubok at paglalakbay, “When the time is right, I, the Lord will make it happen.” Isaiah 60:22

“Thank you Lord, after 7 months sa wakas natapos na din ang pinapangarap kong bahay para sa aking pamilya lalong lalo na sa aking mahal na ina na syang inspirasyon ko sa lahat ng aking hirap at pagsusumikap! 😭❤🙏
2-storey modern residential house with roofdeck!”

Ang kaniyang bahay ay may lot area na 200 sqm, may 4 Bedrooms, 3 Toilet and Bathroom at siyempre, hindi mawawala ang Living, Dining, at Kitchen Area.

SInigurado din niyang mayroon nitong terrace at garahe, utility room, at lugar para sa kaniyang negosyo.

Higit sa lahat, ang kaniyang pinag mamalaking “E Room (Exur’s Room, Executive Room, Entertainment Room)”

 

Dagdag pa ni Exur, hindi na bago sa kaniy ang hamakin ng tadhana, ngunit hindi siya nagpatalo rito.

“Ilang beses mang pinaglaruan ng tadhana, ilang beses mang ako’y pilit na hinihila pababa, ngunit nanatiling mapagkumbaba at matatag sa pag abot ng aking pangarap! 💪💪💪
Maraming salamat sa aming mga beloved clients sa Exur Collections na patuloy na tumatangkilik, nagmamahal at sumusuporta sa aking munting negosyo! At sa Miss Q and A ng It’s Showtime sa malaking opurtunidad na binigay sa akin na talaga namang nagpabago sa aking buhay! ❤❤❤

Dagdag pa ng former beauty queen, “Hindi biro ang hirap, pagod at luha para maisakatuparan ang lahat ng ito pero para sa pamilya lahat kakayanin! Mangarap ka ng mataas at tupadin mo ito. Libre mangarap. Walang madali sa mundo. PipilIin mo lang kung ano ang karapat dapat laan ng mga paghihirap mo! Kung gusto mo ng sumuko…isipin mo nalang ang dahilan kung bakit mo to sinimulan. ❤❤❤

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Dahil Sa Pagsusumikap, Dating Q&A Contestant sa It’s Showtime, Nagawang Ipatayo Ang Kaniyang Pangarap Na Bahay appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments