Natatandaan Niyo Pa Ba Si Rose Ng 90 Day Fiance? Heto Na Siya Ngayon

Sino nga ba ang makakalimot kay Rose Vega, ang Filipina beauty na naging “icon” ng napakaraming Gen Z at Millennials dahil sa kaniyang tapang at kakaibang diskarte sa isang American reality show, 90 Day Fiancé.

Dito ay nakilala niya si Big Ed Brown, isang amerikano na naghahanap ng makakasama sa buhay.

Sa loob ng tatlong buwan ay sinubukan ng dalawa ang kanilang koneksyon sa isa’t isa, ngunit malinaw na hindi nagiging maganda ang impresyon na naiiwan ni Big Ed kay Rose dahil sa kaniyang witty na mga sagutan dito!

Sa isang interview, ibinulgar niya rin na tila hindi pinaghandaan ni Ed ang kanilang pagkikita.

Ito ay ang noong sinundo siya nito sa airport mula sa kaniyang flight sa Pilipinas.

“He doesn’t really care about me,” aniya.

Dagdag pa nito, He just wants to be famous, that’s why he’s doing that. He did not even give me any gifts except bra and panties. All the words out of his mouth are lies. It’s not at all true. He did not care about me, especially my son. I always talk about you. You are always liar. You are a liar. It’s fake. All this is lies.

“Ed did not freshen up when we meet. He smelled sour and maybe it’s because of mayo in his hair,”

Makalipas ang ilang buwan, nasaan na ngayon si Rose?

Nakabalik na ng Pilipinas ang 25 year old single mom na ito at ngayon ay itinutuon na ang kaniyang buong oras sa pagv-vlog at modelling!

Tila hindi naman makapaniwala ang kaniyang mga fans sa kaniyang malupit na glow up, dahil masasabi mong isang professional model na talaga si Rose!

Nag pagupit din siya ng buhok na mas lalong bumagay sa kaniyang itsura.


What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Natatandaan Niyo Pa Ba Si Rose Ng 90 Day Fiance? Heto Na Siya Ngayon appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments