Karamihan sa mga kababaihan ay natatakot tumanda. Kaya naman kung ano ano ang kanilang ginagawa para lamang magmukhang bata kumpara sa kanilang edad. Marami ring gumagastos ng libo-libo para sa mga treatment o cosmetic surgery upang magmukhang bata sila. Ngunit may mga tao rin na nabiyayaan naman ng natural na kagandahan.
Isa na sa kanila ay ang 70-anyos na lola na ito mula sa Perth, Australia. Sa unang tingin, hindi mo aakalain na isang lola na ang iyong kaharap!
Sino nga ba naman ang mag-aakala na 70-anyos na pala siya? Kaya naman maraming tao mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang nais malaman ang sikreto ni Carolyn Hartz.
Nag-viral ang kanyang mga biknii photos sa social media. Sa kanyang edad na 70, nakakahanga ang pagiging fit at sexy ni Carolyn na pinapangarap na lang ng karamihang babae sa kanyang edad. Kaya naman confident pa rin siya na magsuot ng bikini o workout clothes.
Talagang nakakabilib ang kagandahan ni Carolyn. Ngunit mahirap rin ang pinagdaanan niya upang makamit ang kanyang dream figure.
Ayon kay Carolyn, kinailangan niyang mag-diet at magkaroon ng striktong exercise routine araw araw para lamang ma-maintain ang kanyang katawan.
“When people ask me how I stay young, my first answer is attitude. The glass is half-full. I don’t call them failures, I call them setbacks. I try to turn things around. If I have a challenge, I look at it, and then I work it out.”
Ayon kay Carolyn, edad 28 siya noong nagkaroon siya ng Type 2 diabetes. Ito rin daw ang nag-udyok sa kanya na magkaroon ng no-sugar diet. Bukod sa mas mabuti ito para sa kanyang kalusugan, malaki rin daw ang naitutulong nito upang mapanatili ang kanyang itsura.
Read More: DJ Loonyo, Nagsumikap Upang Makapagpundar ng Bahay at Negosyo Para sa Kanyang Ina
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post 70-Anyos na Lola, Ibinuking ang Simpleng Sikreto Niya Upang Mapanatili ang Kanyang Fit na Katawan appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments