Talagang malaki ang naitutulong ng social media sa panahon ngayon. Maraming taong nangangailangan ang nakakatanggap ng tulong matapos mag-post sa social media. Ngunit sa kabila ng lahat, mayroon pa ring mga mapagsamantalang tao na nanloloko online. Dahil sa modus ng mga scammers ngayon, kahit sino ay maaring maging biktima.
Ang masaklap pa, kung sino pa mismo ang mga nangangailangan, sila pa ang madalas mabiktima ng mga mapagsamantala ngayon. Kagaya na lamang ng nangyari sa binatang ito. Sa isang iglap, nasimot ang donations para sa kanyang tatay na may sakit matapos siyang lokohin ng isang scammer.
Read More: Kilalanin ang Panganay na Anak ni Ogie Diaz na Talaga Namang Artistahin sa Ganda!
Nag-post si Jayvee Buracan ng message sa social media, humihingi ng tulong para sa kanyang tatay na may sakit. Maraming netizens ang tumulong sa kanya, ngunit di niya akalain na mayroon ring magsasamantala sa kanila. Isang nagpakilalang Christian Perez ang nag-message sa kanya upang magbigay ng donasyon.
Ngunit imbes na tumulong, may maitim na balak pala ang scammer. Niloko nito si Jayvee, at pinaniwala siyang may makukuha siyang pera kapag ibinigay nya ang OTP ng Gcash niya. Sa isang iglap, sinimot ng scammer ang mahigit sa P15,000 na sana’y pampagamot ng kanyang tatay.
“Bakit naman po ganun? Kung sino pa nangangailangan siya pa bibiktimahin. Paki tulungan po ako please, paki trace po yung no. Please kung sino man may kakilala o may alam please. Walang wala napo ako. Di ko na po alam gagawin ko. Nag tiwala lang naman po ako pero nasobrahan,” pahayag ni Jayvee.
Sa kabilang banda, agad namang nag-viral sa social media ang panlolokong ginawa ng scammer na ito na nagngangalang Daisy Dimaculangan. Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 210,000 shares ang post na ito sa Facebook.
Read More: Ysabel Ortega, Ipinasilip ang Mala-Resort na Bali-Inspired Dream Home sa La Union!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
The post Scammer, Sinimot ang P15k na Laman ng Gcash na Pampagamot Sana sa Maysakit! appeared first on Sasafeed.
Source: Sasa Feed
0 Comments