Kilalanin ang Panganay na Anak ni Ogie Diaz na Talaga Namang Artistahin sa Ganda!

Isa si Ogie Diaz sa mga pinakahinahangaang talent managers sa industriya ng showbiz. Bukod sa pagha-handle sa mga sikat na stars, kilala ring komedyante si Ogie. At mukhang nasa dugo talaga nito ang pagiging artista, dahil maging ang mga anak ni Ogie ay kahanga-hanga ang kagandahan! Mayroong limang anak ang 50-anyos na comedian sa kanyang asawang si Georgette del Rosario.

Mahigit dalawampung taon nang kasal si Ogie sa kanyang asawa. Sa loob ng mahabang panahong iyon, nabiyayaan sila ng limang anak. Ang kanilang panganay ay si Erin, at katulad ng kanyang ama, sumikat ito sa social media dahil sa kanyang artistahin looks!

Read More: Gwapong Lalaki, Hinangaan Matapos Ipagmalaki ang Kaniyang Plus Sized Girlfriend Dahil sa Rason na Ito

Pinagkakaguluhan ng mga netizens ang larawan ni Erin dahil sa mala-dalagang Filipina na ganda nito. Bukod sa charm nito, ipinamalas rin ni Erin ang kanyang sense of humor sa isang vlog, kung saan prinank niya ang kanyang ama. Agad naman itong nag-viral sa social media, at maraming netizens ang natuwa nang makitang malapit ang mag-ama sa isa’t-isa.

Sa kanyang interview kasama ang kanyang asawa sa talk show na “Magandang Buhay,” ibinahagi rin ni Ogie na talagang maaasahan at responsable ang kanilang panganay na anak. Mahal na mahal daw nito ang kanyang mga kapatid, kaya naman nirerespeto rin nila si Erin bilang ate.

Sa katunayan, tuwing busy silang mag-asawa sa kanilang mga trabaho, maaasahan nila si Erin na magbantay sa mga kapatid nito. Hindi rin daw ito pala-barkada, at mas gusto pang manatili sa bahay kasama ang kanyang pamilya kaysa gumala sa labas kasama ang mga barkada.

At bilang reward sa pagiging mabuting anak ni Erin, talagang pinaghandaan ni Ogie at ng kanyang asawa ang debut nito! Alam nilang mahalaga ang araw na ito para sa buhay ng kanilang anak, kaya naman ginawa nila ang lahat upang mapasaya ito. Present din sa celebration si Liza Soberano, isa sa mga sikat na star na hina-handle ni Ogie.

Read More: Kilalanin ang Napaka-Gwapong apo at isa sa Tagapagmana ni Willie Revillame na si Elijah

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Kilalanin ang Panganay na Anak ni Ogie Diaz na Talaga Namang Artistahin sa Ganda! appeared first on Sasafeed.


Source: Sasa Feed

Post a Comment

0 Comments